VP LENI, HUMARAP KAY JUNEL INSIGNE

Mabuti pa si VP Leni humarap nang maayos kay Junel Insigne. Bakit di makaharap si Duterte sa mga mangingisda? Tuwang tuwa tuloy ang mga netizens sa ginawa ni VP Leni.

VP Leni makikipag-usap sa mga mangingisda ng F/B Gem-Ver

Nakatakdang bumisita si VP Leni Robredo sa 22 mangingisda ng F/B Gem-Ver, ang bangkang nabangga at napalubog ng isang Chinese vessel sa West Philippine Sea.

Ayon sa spokesperson ni VP Leni na si Barry Gutierrez, dayalogo ang magaganap sa pagbisita ng Pangalawang Pangulo sa Occidental Mindoro.

Ang pulong ay magaganap dalawang araw matapos ang pulong ni Junel Insigne kay DA Secretary Manny Piñol kung saan sinabi nyang di sya sigurado kung isang Chinese ship ang nanadyang palubugin ang kanilang bangka sa Recto Bank.

RELATED: MIMAROPA POLICE, OA NYO PO. FULL BATTLE GEAR SA HARAP NG BAHAY NI INSIGNE?!

Ginawa ni Insigne ang pahayag matapos ang pulong kay Piñol sa kanyang tahanan na maraming nakapaligid na pulis.

Matatandaang bago ang pulong ay ilang beses din namang mariing sinabi ni Insigne na isang Chinese vessel ang nanadyang banggain at iabandona sila sa karagatan.

Nailigtas ang mga mangingisda ng isang Vietnamese vessel.

RELATED: TESTIMONYA NG VIETNAMESE BOAT OWNER CONSISTENT SA KWENTO NI JUNEL INSIGNE

Para kay Duterte, isang “maritime incident” lamang ang nangyari na syang ikinagalit ng maraming kritiko ng administrasyon dahil na rin sa pagkiling ng Pangulo sa China kapalit ang West Philippine Sea.

Iba naman ang posisyon ni VP Leni sa nangyari. Galit sya sa pagpapalubog ng bangka ng mga Pilipinong mangingisda.

VP Leni nakipagpulong kay Junel Insigne

Mabuti pa si VP Leni nagbigay ng oras para harapin ang mga Pilipinong mangingisda. Si Duterte, ipinadala lamang si Piñol. Umamin din naman si Piñol na sya lamang ang nag-imbita sa mga mangingisda at hindi si Duterte, di ba?

 

Source:

Cepeda, M. (2019, June 20). Robredo to dialogue with Gem-Ver fishermen on June 21. Retrieved from Rappler: Robredo to dialogue with Gem-Ver fishermen on June 21