Vietnam Strategy sa South China Sea

vietnam strategy

Vietnam strategy ang dapat pag-aralan ng Pilipinas kung ibig nitong makontrol ang West Philippine Sea.

Pigilan ang China sa pamamagitan ng Vietnam strategy

May matalinong Vietnam strategy na posibleng makapigil sa China sa pagkontrol sa South China Sea. Ito ay ang pakikipag-partner sa isang bansang di pwedeng kalabanin ng mga Intsik sa ngayon: ang Russia.

RELATED: Del Rosario Hinimok ang Pilipinas na Makipagtulungan sa Vietnam

Inaangkin ng China ang buong South China Sea at gagawin nito ang lahat para makuha lamang ito. Hindi nila kinikilala ang arbitral ruling ng Permanent Court of Arbitration at nagtayo pa ito ng mga artipisyal na isla. Tinatakot nito ang mga myembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa paglalayag sa pinag-aawayang karagatan.

Habang hindi naman handa si Duterte na pigilan ang China, ang Vietnam naman ay matapang na nagpupursiging pigilan ito. Nagpapadala ito ng mga troops para komprontahin ang mga Chinese vessels na pumapasok sa sakop nito sa South China Sea.

Nagsusulong din ito code of conduct para gawing ilegal ang mga ginagawa ng China gaya ng pagtatayo ng mga artipisyal na isla, pagsasara ng mga daraanan, at pagpapadala ng mga armas gaya ng missiles.

Kinakalaban din ng Vietnam ang pag-drill ng China ng langis sa mga lugar na parte diumano ng 9-dash line nito.

Ang problema sa ganitong simulain ay mahihina ang napipiling partners ng Vietnam para sa sariling drilling operations nito. Halimbawa, napili nito ang ONGC Videsh ng India at Repsol ng Spain. Inabandona lamang ng dalawang kumpanya ang kanilang partnership sa Vietnam dahil sa sinisikil sila ng China.

Ngayon, isa sa kanilang Vietnam strategy ang makipag-partner sa Rosneft ng Russia. Mas matatag ang partnership nito dahil ang gobyerno ng Russia ang primary shareholder ng kumpanya. Posibleng maging game changer ito na papabor sa Vietnam dahil mahihirapan ang China na kalabanin ang Russian navy na syang dedepensa sa interest ng Russia sa rehiyon.

RELATED: TESTIMONYA NG VIETNAMESE BOAT OWNER CONSISTENT SA KWENTO NI JUNEL INSIGNE

Ang presensya ng Russia sa South China Sea ang posibleng magkontrol sa kasakiman ng China at magkaroon ng kapayapaan sa rehiyon.

Sana lang matuto ang Pilipinas sa Vietnam strategy para makabuo ito ng sarili nyang istratehiya para pigilan ang China.

 

Source:

Mourdoukoutas, P. (2019, August 7). South China Sea: Vietnam Has A Smart Strategy To Stop China. Retrieved from Forbes: South China Sea: Vietnam Has A Smart Strategy To Stop China