TESTIMONYA NG VIETNAMESE BOAT OWNER CONSISTENT SA KWENTO NI JUNEL INSIGNE

Consistent ang kwento ng Vietnamese boat owner sa testimonya ng grupo ni Junel Insigne hinggil sa pangyayari sa Recto Bank.

Tugma ang kwento ng Vietnamese sa kwento ng mga mangingisdang Pilipino

Nagsalita ang may-ari ng bangka ng mga Vietnamese na tumulong sa 22 mangingisdang Pilipino sa West Philippine Sea. 10 sa tauhan ng bangkang ito ang tumulong sa ating mga kababayan.

Ayon kay Ngo Van Theng sa interbyu nito sa VNExpress, pag-aari nya ang fishing boat na nagligtas sa 22 Pilipinong mangingisda na lulan ng F/B Gem-Ver na pinalubog ng isang barko ng Tsina sa Recto Bank.

Ayon sa kanya, ngayon lamang nakapagsalba ng mga mangingisda ang kanyang bapor sa ilang taon na nyang pagiging mangingisda. Gagawin daw ito ng kahit sinong nasa karagatan. Di lang naman sila ang tutulong.

RELATED: INSIGNE: AYOKO NANG MAKAUSAP SI DUTERTE! UWI NA LANG AKO!

Ang kanyang bangka ay naka-angkla noong June 10, bandang 1am nang magising sila dahil sa mga boses ng mga bangyaga. Gumamit ang mga Pilipino ng hand gestures para makipag-usap sa kanila.

Noong una, akala ng kapitan ng Vietnamese fishing boat ay mga pirata ang mga Pilipino, ngunit mga basang basa at nanginginig sa ginaw ang mga mangingisda natin. Nahulaan ng kapitan na nagkaroon ng aksidente at humihingi ang ating mga kababayan ng tulong.

Dinala ng mga Pilipino ang mga Vietnamese kung saan naroon ang lumubog na bangka na halos isang oras din ang layo ng nilakbay.

Natagpuan ng mga Vietnamese ang mga Pilipinong mangingisda na may suot na life jackets at nakahawak sa mga plastic barrels at ilang piraso ng kahoy mula sa lumubog na barko. Mga pagod, gutom, at giniginaw sila.

Isinakay ang mga mangingisda sa fishing boat ng Vietnamese at pinakain.

Consistent ang sinasabi ng may-ari ng Vietnamese fishing boat sa sinasabi ng ating mga mangingisda na di naman pinapaniwalaan ng rehimeng Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nagdududa sila sa salaysay ni Junel Insigne. Isa sa mga pinagdududahan nila ay kung sinadya ng Chinese boat na banggain ang mga Pilipino, gaya ng salaysay ni Insigne.

Kung sinadya man o hinde, malinaw na iniwan ng Chinese boat ang mga mangingisdang Pilipino sa laot. Kung di nila sinadya, bakit di nila tinulungan?

Malacañang: May iba pang bangka malapit sa F/B Gem-Ver

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, may mga lumalabas na ebidensya na nakakapagduda sa mga naunang sinabi ng mga mangingisda.

Inamin ng cook ng bangka kay Department of Agriculture Secretary Manny Piñol na sya lamang ang gising nang mangyari ang insidente at malamlam ang ilaw kaya posibleng di sila nakita ng mga Chinese.

Sa isang presentasyon naman ni DND Secretary Delfin Lorenzana, ayon kay Panelo, sinabi nyang may 11 maliliit na bangka na nakapaligid sa lumubog na bangka.

RELATED: DUTERTE NALUNOK ANG DILA? TAHIMIK SA ISYU NG PAG-ABANDONA SA MGA PILIPINONG MANGINGISDA

Ayon din kay Panelo, sinubukan ng China na tulungan ang mga mangingisda ngunit natakot ang ito na kuyugin ng ilang bangka ng mga Pilipino.

Ngunit, ayon pa rin sa kanya, kinokondena pa rin ng Malacañang, ang pag-abandona ng Chinese vessel sa ating mga mangingisda.

Batongbacal: Hindi pwedeng makuyog ang China vessel ng 7 o 8 bangka ng mga Pilipino

May ipinakitang satellite data si maritime law expert Jay Batongbacal na nagpapatunay na imposibleng kuyugin ang Yuemaobinyu 42212 na isang bapor ng China.

Source: Rappler

Ayon sa Visible Infrared Imaging Radiometer Suit (VIIRS) satellite data noong gabi ng June 9, kung kailan pinalubog ng isang Chinese vessel ang bangka ng Pilipinas sa West Philippine Sea, masyadong malayo pagitan ng mga bangka sa Recto Bank. Ang imahe ng dalawang pinakamalapit na bangka ay may pagitan ng 3 – 5 nautical miles o 7 – 9 kilometro.

Ayon kay Batongbacal, ang imagery date na “12/14/2015” ay ang date ng Google Earth Blue Marble Map. Samantala, ang mga boat icons naman ay representasyon ng mga bangka o bapor sa Recto Bank noong June 9, 2019.

Ibig sabihin, imposibleng kuyugin ang bapor ng China dahil sa magkakalayo ang mga bangka.

Ayon sa VIIRS satellite data, konti lamang ang mga fishing vessels sa Recto o Reed Bank noong gabi ng June 9, 2019. Ang bawat boat icon ay isang fishing vessel na natukoy dahil sa maliwanag na ilaw nito. Nakakalat ang mga fishing vessels sa malawak na area ng Reed Bank. Ang pinakamalapit na dalawang ilaw ay humigit kumulang 3-5 nautical miles o 7-9 kilometro.

Source: Rappler

Inamin naman ng China na kanila nga ang nasabing fishing vessel na bumangga sa F/B Gem-Ver. Ngunit, ayon sa kanila, di natulungan ang mga Pilipinong mangingisda dahil sa natakot itong makuyog ng 7 o 8 bangka ng mga Pilipino.

Kinontra naman ng kapitan ng F/B Gem-Ver na si Junel Insigne ang sinabi ng China.

Imposible ang pahayag ng China

Ayon kay Batongbacal, hindi nya alam kung saan sa Google Earth image ang pwesto ng F/B Gem-Ver. Ang punto lamang nya ay imposibleng may kukuyog sa China dahil magkakalayo ang mga bangka ng mga Pilipino. Syempre, ang pagkahagip ng satellite sa mga bangka ay depende kung may sapat itong ilaw o di kaya ay matagal nang nakatigil sa panahon na dumaan ang satellite.

Ayon din sa kanya, wala pang naitala sa kasaysayan na nangkuyog ang mga mangingisda natin. Ayon din naman kay Junel Insigne, walang malapit na bangka sa kanilang lugar. Isang Vietnamese vessel ang nagsalba sa kanila.

Gyera? Ang rehimeng Duterte lang naman ang nagsasabi ng gyera. Ang sinasabi lamang ng mga ordinaryong Pilipino, papanagutin ang mga salarin. Bigyang hustisya ang mga Pilipinong tripulante na binangga o nabangga at iniwan na lamang basta. Anong mahirap dun?

 

Sources:

ABS-CBN News. (2019, June 18). Other boats near F/B GEM-VER? Palace cites new info on PH fishing boat sinking. Retrieved from ABS-CBN News: Other boats near F/B GEM-VER? Palace cites new info on PH fishing boat sinking

Esmaquel II, P. (2019, June 15). Satellite data show China ship not ‘besieged’ by Filipino boats. Retrieved from Rappler: Satellite data show China ship not ‘besieged’ by Filipino boats

Esmaquel II, P. (2019, June 18). Vietnamese account matches Filipino fishermen’s story. Retrieved from Rappler: Vietnamese account matches Filipino fishermen’s story