SEC TUGADE TUMANGGING SABIHIN ANG RESULTA NG IMBESTIGASYON NG MARINA AT PHIL COAST GUARD

Tapos na pala ang imbestigasyon ng MARINA at Phil Coast Guard. Pero, tumangging sabihin ni Sec Tugade ang resulta. Bakit kaya?

Marina at Coast Guard tapos nang mag-imbestiga sa insidente sa Recto Bank

Tapos na ang awtoridad na mag-imbestiga sa nangyari sa Recto Bank, ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade.

Kinumpirma nya ito sa isang interbyu ng mga reporters sa ASEAN Summit sa Bangkok, Thailand.

Naisumite na ang report sa Malacañang noong June 20. Ang Maritime Industry Authority at Philippine Coast Guard ay nasa ilalim ng pamamahala ng Department of Transportation.

RELATED: BAKIT INAANGKIN NG CHINA ANG RECTO O REED BANK?

Tumanggi si Tugade na ilahad ang resulta ng imbestigasyon. Nasa Malacañang na pala ang report nang sabihin ni Duterte na payag sya sa joint investigation ng insidente kasama ang China.

Inanunsyo ng Palasyo ang pagpayag ni Duterte sa joint probe, kasama ang isang neutral third country. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, magkakaroon ng imbestigasyon para malaman kung ano ang tunay na nangyari sa Recto Bank at para makahanap ng kasiya-siyang pagsasara ng nangyari.

Hinimok ni dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na wag pumayag ang mga Pilipino sa ibig ni Duterte dahil ito ay nangangahulugan ng pagsuko ng soberanya ng Pilipinas. Ang insidente ay nangyari sa karagatan ng Pilipinas at kailangang ang batas ng bansa ang masunod.

RELATED: TESTIMONYA NG VIETNAMESE BOAT OWNER CONSISTENT SA KWENTO NI JUNEL INSIGNE

Matatandaang itinuring lamang ni Duterte na “little maritime incident” ang nangyari na syang posisyon din naman ng China.

Kung mayroon na palang imbestigasyon ang mga ahensya ng gobyerno, bakit kailangan pa ng joint probe na isinusulong ng China at ni Duterte?

 

Source:

Rappler. (2019, June 22). Marina, Coast Guard wrap up probe into Recto Bank incident. Retrieved from Rappler: Marina, Coast Guard wrap up probe into Recto Bank incident