PILIPINAS NAGDUDUSA NA SA PABAGO-BAGONG POSISYON NI DUTERTE SA SOUTH CHINA SEA

Mga Pilipino ang nagsisimulang magdusa sa mga paiba-ibang posisyon ni Duterte hinggil sa usapin sa South China Sea sa pagitan ng China at Pilipinas.

Alam Kaya ni Duterte ang Ginagawa Nya sa Usapin ng South China Sea?

Dahil sa pabago-bagong polisiya ni Duterte sa sigalot sa South China Sea, nagdurusa na ang Pilipinas.

Inaangkin ng China ang buong South China Sea at mukhang handa itong gawin ang lahat para maangkin lamang ito. Sa katunayan, marami nang Chinese vessels ang paikot-ikot doon.

Masamang balita ito para sa mga bansang apektado tulad ng Pilipinas. Ganun din, nasa balag ng alanganin ang kahihinatnan ng economic integration sa rehiyon sa hinaharap dahil sa panganib na pang-geopolitical na posibleng makapagtaboy ng foreign investments.

Ang problema kasi ay walang malinaw at pare-parehong posisyon ang Pilipinas kung paano makikitungo sa China hinggil sa pangangamkam nito sa pag-aari ng bansa. Posibleng takot ang rehimeng Duterte sa gyera o di kaya ay mas tinitingnan nila ang perang galing sa China na posibleng maging pondo ng Build, Build, Build infrastructure projects.

RELATED: Nasaan ang Pangakong Chinese Investments?

Noong Abril 2018, di itinuloy ni Duterte ang plano nyang itaas ang bandila ng Pilipinas sa mga pinag-aawayang isla sa South China Sea dahil na rin sa payo ng China.

Noong 2016, nanalo ang Pilipinas sa international arbitration ruling laban sa China dahil wala namang titulo ang huli sa South China Sea. Ngunit, imbes na ipatupad ang ruling, mas pinili  ni Duterte ang makipagmabutihan sa China.

Malaki ang alok na tulong ng Beijing sa pagpopondo ng Build, Build, Build projects at maging sa pangako ng katahimikan at kaunlaran.

Ngunit, pinagbabayaran na ng Pilipinas ang desisyon na ito ni Duterte. Halimbawa, patuloy pa ring namamayagpag ang China sa mga inaangking isla na pag-aari naman natin. May pananakot pa ng gyera.

Matatandaang nagbigay ng katiyakan ang US na tutulong ito kapag inatake ng China ang Pilipinas. Pero, hindi naman ito naging hadlang para magpatuloy ang China sa pangangamkam ng South China Sea.

Ngayon, nananakot naman si Duterte na magpapadala ng “suicide mission” kapag di tumigil ang China sa pag-okupa ng mga islang pag-aari ng bansa.

Panibagong polisiya na naman habang nagdurusa ang mga Pilipino sa pagdaloy ng Chinese money sa bansa.

Masamang Epekto ng Chinese Investments sa Pilipinas

Binuksan ni Duterte ang Pilipinas at pinapasok ang China.

Pagdami ng Chinese Workers

Unang una, dumagsa ang mga manggagawang galing sa China. Noong July 2016, matatandaang headline ang plano ng rehimeng Duterte na gamitin ang mga low-skilled Chinese workers para sa mga infrastructure projects sa bansa na pinopondohan ng China.

Walang nakakaalam kung ilan na ang mga Chinese workers sa Pilipinas. Ang iba sa kanila ay posibleng nakapasok sa bansa nang ilegal.

Noong 2018, nai-report na rin na umabot na sa 200,000 ang mga Chinese workers na nag-apply ng working visa sa bansa.

RELATED: Sa Usapin ng Illegal Chinese Workers, Kanino Pumanig si Duterte?

Hindi naman masama ang pagdami ng banyagang manggagawa, kung tutuusin. Pero, dapat mas maraming trabaho pa rin ang ibinibigay para sa mga Pilipino.

Pero, di naman ito ang nangyayari sa ilalim ng rehimeng Duterte. Kahit na lumago ang GDP o gross domestic product, hindi naman nagkaroon ng mas maraming trabaho.

Matatandaang, ayon sa IBON Foundation, nasa 81,000 lamang ang average na bagong trabaho mula 2017 hanggang 2018. Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, 162,000 lamang ang karagdagang trabaho noong 2018.

Mas mababa pa ito sa annual average job creation ng mga nagdaang rehimen:

  • Corazon Aquino – 810,000 (1987 – 1992)
  • Fidel Ramos – 489,000 (1993 – 1998)
  • Joseph Estrada – 842,000 (1999 – 2001)
  • Gloria Arroyo – 764,000 (2002 – 2010)
  • Benigno Aquino III – 827,000 (2011 – 2016)

Pagbili ng mga Properties ng mga Chinese Citizens

Samantala, kabi-kabila naman ang pagbili ng condo units ng mga dumadayong Chinese sa bansa. Ayon, sa Residential Real Estate Price Index ng Pilipinas, nasa 117.200 na ito noong 2018, mula sa 106.900 noong 2016. Posibleng magkaroon ng housing bubble.

Hindi naman din masama ang housing bubble, kung ikaw ay nagbebenta ng mga properties. Pero, kung ikaw ang buyer, hindi maganda ang housing bubble para sa yo.

Pagpondo ng China sa Build, Build, Build Infrastructure Projects

Malaki ang perang ibinubuhos ng China sa mga infrastructure projects sa Pilipinas. “Golden Age of Infrastructure” nga ang bida ni Duterte. Noong 2016, nakakuha ng higit sa $24B ang Pilipinas mula sa China sa pamamagitan ng investments, credits, at loan pledges.

Ngunit, marami naman sa mga investments na ito ay di pa naisasakatuparan. Kapag nangyari ito, mababaon sa utang ang Pilipinas sa China. Posibleng matulad ang bansa sa Sri Lanka.

RELATED: Bakit Kelangan Mong Mag-alala sa China Debt Trap Diplomacy?

Matatandaang nagsimula ang China Debt Trap sa Sri Lanka sa pagpopondo ng Beijing sa pagsasaayos ng mga daungan nito na ginawa ng mga construction companies mula sa China. Noong di na makabayad ang Sri Lanka, nakuha ng China ang pag-aari at kontrol ng dalawang malaking daungan doon.

Pero, malayo rin naman itong mangyari sa Pilipinas dahil iba naman ang ekonomiya ng bansa sa Sri Lanka.

Kitang kita at ramdam na ramdam na ng mga Pilipino ang sinasabing epekto ng pakikipaglaro ni Duterte kay Xi Jinping. Nakakalungkot lamang na tayo ang nagdurusa sa mga desisyon ng Pangulo.

 

Sources:

Mourdoukoutas, P. (2019, March 21). Filipinos Are Beginning To See The Ugly Side Of Chinese Investments. Retrieved from Forbes: Filipinos Are Beginning To See The Ugly Side Of Chinese Investments

Mourdoukoutas, P. (2019, April 6). Philippines Is Beginning To Pay The Price For Duterte’s South China Sea Flip-Flops. Retrieved from Forbes: Philippines Is Beginning To Pay The Price For Duterte’s South China Sea Flip-Flops