PILIPINAS DI KAILANGAN ANG PERMIT NG CHINA PARA MANGISDA SA WEST PHILIPPINE SEA

Di kailangan ng Pilipinas na magpaalam sa China para mangisda sa West Philippine Sea. Ganun din, desisyon ng Pilipinas kung papayagan nitong mangisda ang mga Chinese fishermen dito.

Paul Reichler: Di kailangan ang China permit para mangisda

Ayon sa lead counsel ng Pilipinas laban sa China na si Atty. Paul Reichler, hindi kailangan ng permit mula sa China para makapangisda ang mga Pilipino sa West Philippine Sea. Ito ay salungat sa sinabi ni Duterte na mayroon syang kasunduan kay Chinese Philippine Xi Jinping tungkol dito.

Sa ilalim ng UN Convention on the Law of the Sea, may ekslusibong karapatan ang Pilipinas na mangisda sa loob ng 200 miles mula Palawan.

Ibig sabihin, may karapatan ang mga Pilipinong mangingisda sa Panatag o Scarborough Shoal nang hindi nagpapaalam sa China.

Ayon sa Hague ruling na ipinalabas noong July 12, 2016, ang West Philippine Sea ay pag-aari ng Pilipinas. Ito ay patuloy na inaangkin ng China. Kamakailan, nagkaroon muli ng pagtatalo matapos mabangga ng isang barko ng China ang bangka ng mga Pilipinong mangingisda sa Recto o Reed Bank na nakapaloob sa West Philippine Sea.

RELATED: BAKIT INAANGKIN NG CHINA ANG RECTO O REED BANK?

Ayon kay Reichler, may karapatan ang Pilipinas na pigilan o payagan ang ibang bansa na mangisda sa exclusive economic zone (EEZ) nito. Nasa bansa ang pagpapasiya kung sino sino ang papayagan nitong pumasok.

Ngunit, ayon na rin kay Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, ipinagbabawal ng Saligang Batas ang pagpapapasok ng mga banyagang mangingisda sa exclusive economic zone ng Pilipinas.

Kung kaya, walang karapatan si Duterte na makipagkasundo kay Xi Jinping tungkol sa pangingisda ng mga Chinese sa West Philippine Sea.

RELATED: TESTIMONYA NG VIETNAMESE BOAT OWNER CONSISTENT SA KWENTO NI JUNEL INSIGNE

Ayon kay Justice Carpio, ang anumang yamang dagat ng Pilipinas ay para lamang sa mga Pilipino. Hindi dapat payagan ni Duterte ang mga Chinese fishermen na pumasok sa West Philippine Sesa.

Mas pinili pa ni Duterte na kumiling sa China kesa protektahan ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Mas pinili nyang sumiksik kay Xi Jinping kesa protektahan ang kaligtasan at kabuhayan ng mga ordinaryong Pilipinong mangingisda.

 

Source:

Esmaquel II, P. (2019, July 6). No need for China permit to fish, says PH lawyer in Hague case. Retrieved from Rappler: No need for China permit to fish, says PH lawyer in Hague case