MIMAROPA POLICE, OA NYO PO. FULL BATTLE GEAR SA HARAP NG BAHAY NI INSIGNE?!

MIMAROPA Police Chief, umaming nagkamali sa desisyong ipadala ang mga pulis in FULL BATTLE gear sa harap ng bahay ni Junel Insigne. Weh?!

Region IV-B Police Chief, umaming OA ang ipinadalang mga pulis na naka-full battle gear

Kahapon, sanrekwang pulis ang dumating sa tahanan ni Junel Insigne, ang kapitan ng binangga at pinalubog na F/B Gem-Ver ng Chinese fishing vessel at inabandona sa karagatan.

RELATED: TESTIMONYA NG VIETNAMESE BOAT OWNER CONSISTENT SA KWENTO NI JUNEL INSIGNE

Ayon kay MIMAROPA Police Chief Tomas Apolinario, isang pagkakamali ang desisyong magpadala ng mga pulis na naka-riot gear.

Ayon sa kanya, precautionary measures daw ito dahil sa pagbisita nina DA Secretary Manny PiƱol at DOE Secretary Alfonso Cusi.

Ibig daw kasi ng dalawang opisyal ng gobyerno na magkaroon ng private talk kay Insigne at sinigurado lamang nila na pribado talaga ang pag-uusap na un.

Di naman daw ginamit ang mga shields at helmets. Naka-standby lamang sila pero di daw dapat inilabas ang mga ito.

RELATED: INSIGNE: AYOKO NANG MAKAUSAP SI DUTERTE! UWI NA LANG AKO!

Siniguro nya sa publiko na walang dapat ikabahala. Dapat daw maging safe ang feeling ng publiko kapag nakakita ng mga police o AFP na in full battle gear.

Palusot.com na lang naman yan. Sobrang incompetent naman ng kapulisan kung di sinasadyang isuot ang battle gear nila. Pananakot kay Insigne nya dahil nagmamatigas sya. Galawang ML yan, promise!

 

Source:

CNN Philippines Staff. (2019, June 19). Regional police chief admits lapse in deploying personnel in full gear to boat captain’s home. Retrieved from CNN Philippines: Regional police chief admits lapse in deploying personnel in full gear to boat captain’s home