MAHATHIR DOCTRINE, MAS EPEKTIBO SA PAGRESOLBA NG GUSOT SA SOUTH CHINA SEA

Mas epektibo pa ang Mahathir Doctrine kesa sa Duterte model kung ang layunin ay protektahan ang kasarinlan laban sa China sa usapin ng South China Sea.

China, ibig gamitin ang Duterte Model para ayusin ang gulo nito sa Malaysia hinggil sa South China Sea

Ibig sanang gamitin ng China ang Duterte Model sa paghahanap ng solusyon sa usapin nito sa Malaysia tungkol sa South China Sea. Gusto nito na magkaroon ng bilateral deal, imbes na multilateral deal kung saan ang lahat ng bansa na may interes sa rehiyon ay mag-uusap-usap.

Sa isang artikulo sa South China Morning Post, binanggit doon na ibig ng China na magkaroon ng mekanismo tulad ng sa Pilipinas, imbes na idulog ang usapin sa ASEAN o Association of Southeast Asian Nations.

Hindi naman ito magtatagumpay.

RELATED: INSIGNE: AYOKO NANG MAKAUSAP SI DUTERTE! UWI NA LANG AKO!

Noong July 2016, naipanalo ng Pilipinas sa international tribunal ang kaso nito laban sa China. Ibig sabihin, walang karapatan ang huli na angkinin ang South China Sea.

Malaki itong pagkapanalo ng Pilipinas at ng US para mapanatiling malaya ang paglalayag sa karagatan.

Ngunit, di naman ito sinunod ni Duterte. Nagsumiksik ito sa China bilang kaibigan at piniling magkaroon ng bilateral negotiations.

Dahil sa takot ni Duterte na gyerahin ang Pilipinas kapag ipinatupad nya ang international tribunal ruling, mas pinili nyang lumapit sa China para pondohan ang kanyang Build, Build, Build infrastructure projects.

Ang problema ng China, hindi naman epektibo ang Duterte Model. Matatandaang inutusan ng Korte Suprema ang mga ahensya ng gobyerno tulad ng Philippine Navy, PNP, at Coast Guard na protektahan ang Scarborough Shoal, Mischief Reef, at Second Thomas Shoal na syang dapat sana ay ginawa ni Duterte noong umupo sya bilang Pangulo.

RELATED: DUTERTE NALUNOK ANG DILA? TAHIMIK SA ISYU NG PAG-ABANDONA SA MGA PILIPINONG MANGINGISDA

Samantala, di naman natitinag si Malaysian Prime Minister Mahathir Bin Mohamad sa harap ng China. Ito ay kabaligtaran ng ginagawa ni Duterte.

Totoong kailangan ng Malaysia ang investments ng China, ngunit hindi kailangan ang huli ang masunod.

Kaya nga, hindi interesado si Mahathir na sundin ang Duterte Model. Mayroon din naman kasing sariling modelo ang Malaysia, ang Mahathir Doctrine kung saan mas pinipinili nito na mawala ang mga warships para mapanatili ang kapayapaan sa South China Sea.

Sa kabila ng pagkiling ni Duterte sa China, hindi naman ito ang ibig na tahaking landas ng Malaysia. Di tulad ni Duterte, hindi duwag si Mahathir.

 

Source:

Mourdoukoutas, P. (2019, May 23). China Wants To Apply The Duterte Model To Settle South China Sea Disputes With Malaysia. Retrieved from Forbes: China Wants To Apply The Duterte Model To Settle South China Sea Disputes With Malaysia