LAWAY NI DUTERTE KAPALIT ANG EEZ NG PILIPINAS

Sabi ni Panelo, verbal agreement lamang ang namagitan kay Duterte at Xi Jinping. In short, laway lamang ang puhunan kapalit ang EEZ ng Pilipinas. How sad.

Panelo: Di pormal ang kasunduan nina Duterte at Xi Jinping sa pangingisda ng mga Intsik sa WPS

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, di naman dokumentado ang sinabi ni Duterte na “mutual agreement” nila ni Xi Jinping noong October 2016 na payagang mangisda ang mga Intsik sa exclusive economic zone ng Pilipinas matapos payagan ng China ang mga Pilipinong mangingisda na pumasok sa Scarborough Shoal.

Informal agreement lamang ito na ipinapatupad. Nakakapangisda ang mga kababayan natin sa Scarborough Shoal na kinuha ng China mula sa atin noong 2012.

Mainit na naman ang isyu ng EEZ ng Pilipinas dahil nga binangga ng isang Chinese fishing vessel ang bangka ng ating mga mangingisda noong June 9 sa Recto Bank na parte ng West Philippine Sea.

RELATED: MAHATHIR DOCTRINE, MAS EPEKTIBO SA PAGRESOLBA NG GUSOT SA SOUTH CHINA SEA

Ang EEZ ay ang lugar na sakop ng Pilipinas na may sukat na 200 nautical miles mula sa pampangin ng ating mga lupain.

Marami ang nagalit sa tinuran ni Duterte. Nakalimutan yata ng Pangulo ang Article XII Section 2 ng 1987 Constitution: “the State shall protect the nation’s marine wealth in its archipelagic waters, territorial sea, and exclusive economic zone, and reserve its use and enjoyment exclusively to Filipino citizens.”

Nakaprenda na ang Pilipinas sa China

Ang katraydoran ni Duterte ay hindi lamang naman nangyari ngayon. Ang problemang ginawa nya ay nagsimula noong isinuko nya ang kontrol ng West Philippine Sea sa China matapos tayong manalo sa international arbitral court na nagpatibay ng soberanya ng Pilipinas sa karagatan at nagtanggi sa pang-aangkin ng China dito.

Ang kaso ng 22 Pilipinong mangingisda kamakailan ay isa lamang sa mga kaso ng pag-aalispusta at katrayduran. Ito ang pinakahuli, pinakakapansin-pansin, at pinakamarahas sa ngayon.

Noon, itinataboy lamang ng mga Intsik na mangingisda ang mga Pilipino. Ngunit, dahil sa pinapayagan sila ni Duterte, mas naging marahas na sila ngayon. Maliwanag ang ibig ng China: itaboy ang mga Pilipinong mangingisda mula sa ating exclusive economic zone.

Pinagsususpetsahan na ang mga Intsik na nagpapatrulya sa West Philippine Sea ay mga sibilyang may military training.

Ayon kay Supreme Court Justice Antonio Carpio, lulan ang mga Intsik ng matitibay na mga sasakyang pandagat na handa kung anuman ang mangyari.

Ganito rin ang sinabi ng mga mangingisda mula sa Vietnam na nakaranas din ng kaparehong karahasan mula sa mga Intsik.

Bakit pinagnanasahan ng China ang West Philippine Sea?

Mayaman ang West Philippine Sea sa mga lamang-dagat, kasama na ang mga endangered species na mahal ang presyo sa China kaya ninanakaw ito ng mga Intsik para ibenta. Ganun din, mayaman ito sa gas deposits na posibleng manakaw din ng mga dayuhan.

RELATED: Bakit Di Magtatagal and Kasunduan sa Enerhiya ng China-Philippines

Kaya nga hinihimok ni Carpio si Duterte na ibalik ang kontrol ng West Philippine Sea sa Pilipinas. Pero, wa epek naman ito sa Pangulo.

Sa kaso ng pagbangga at pag-abandona ng mga Intsik na mangingisda, ayaw naman sila papanagutin ni Duterte. Tahasang pinayagan pa nga sila na mangisda sa Pilipinas na isang paglabag sa Saligang Batas.

Ipinagkanulo ng Pangulo ang Pilipinas. Pinayagan nyang manakaw ng mga Intsik ang mga oportunidad ng mga Pilipinong kumita. Nangutang din sya nang nangutang sa China. Kaya, bumalik lang tayo sa panahon ni Marcos. Hindi pa ipinapanganak ang mga anak at apo natin, may utang na sila.

Pero, higit pa sa lahat ng ito, nawalan ng kalayaan at pagpapahalaga sa sarili ang mga Pilipino. Nasalakay na tayo ng mga banyaga. Libo-libong Intsik na ang andito sa Pilipinas.

Naihanda na ang kanilang mga visa. Hindi kaya ang mga ito ay mga pwersa na ipinadala rito para iwaksi ang demokrasya pagdating ng panahon?

Kilala rin naman ang China bilang isang awtokratikong rehimen. Naalala ba nyo ang nangyari sa Tiananmen Square noong 1989? Libo-libo ang namatay doon.  Nababagay kay Duterte ang kwentong ito.

Walang binatbat ang kwento ng Tiananmen kumpara sa mangyayari sa mga Pilipino kapag tinutulan ang pagsusulong ng China na maangkin ang Pilipinas.

Ngunit, ang Tiananmen din, kung nakalimutan ni Duterte, ay isang pintuang daan sa makalangit na kapayapaan.

Ano ang pwedeng gawin ni Duterte para matapos na ang sigalot sa West Philippine Sea?

Ayon sa mga dalubhasa, kailangang protektahan na ni Duterte ang interes ng Pilipinas laban sa pagsalakay ng China.

Nakakatawa rin naman ang nangyayari sa Pilipinas at China. Ngunit, may seryosong panganib din naman ito.

Matatandaang di na itinuloy ni Duterte ang paglalagay ng watawat ng Pilipinas sa mga pinag-aawayang isla sa West Philippine Sea dahil sa “payong kaibigan” (read: banta) ni Xi Jinping. Kontrolado pa rin ng China ang Pag-asa Island.

Ang pinakahuling insidente ng pagpapalubog ng isang Chinese vessel sa bangka ng Pilipinas ay isa na namang patunay na hindi protektado ni Duterte ang mga Pilipino.

RELATED: Bakit Naka-Zipper ang Bibig ng AFP sa Usapin ng West Philippine Sea?

Ang mga sinasabi ng Pangulo ay pagpapakita ng pagsuko at pakikipagkasundo sa China. Nagkakaroon tuloy ng pagdududa sa kredibilidad ni Duterte.

Kapag pinagdudahan ang kredibilidad, nagpapatuloy ang panloloko. Di naman ito pangmatagalan.

Kailangang magkaroon ng mga pader, gaya ng ginawa ng Indonesia at Vietnam. Halimbawa, nagkaroon ng imaginary wall sa Indonesia para pagtibayin ang karapatang mangisda ng mga Indonesians sa pinagtatalunang South China Sea.

Kapag lumampas ang mga Intsik sa nasabing “imaginary wall”, may karapatan ang Indonesia na ipaglaban ang kanilang pag-aari.

Pero, iba ang nangyayari sa Pilipinas. Imbes na ipaglaban ni Duterte ang interes ng mga Pilipino, nakikipagsabwatan na it okay Xi Jinping.

Ang mahal naman ng laway ni Tatay Digong. Kapalit ang buong Pilipinas. Ang tanong: nag-toothbrush kaya muna sya bago sya nakipagkasundo kay Xi Jinping?

 

Sources:

Corrales, N. (2019, July 1). Palace: Duterte fishing deal with Xi an ‘informal agreement’. Retrieved from Inquirer: Duterte fishing deal with Xi an ‘informal agreement’

Henden, A. (2019, June 30). South China Sea dispute: China and Philippines frictions explained – What is going on? Retrieved from Express: South China Sea dispute: China and Philippines frictions explained – What is going on?

Santos, V. O. (2019, June 29). [OPINION | Newspoint] A nation held to ransom. Retrieved from Rappler: [OPINION | Newspoint] A nation held to ransom