Joint Exploration: Ano ang Mapapala ng China at Pilipinas?

joint exploration

Tuloy na tuloy na ang joint exploration sa West Philippine Sea ng China at Pilipinas.

May pakinabang ba sa Pilipinas ang joint exploration kasama ang China?

Ang mga pinakaimportanteng dokumento ay hindi kasali sa listahan ng mga kasunduang inilabas ng Malacañang sa media matapos bumisita si Duterte sa China.

Isa sa mga dokumentong ito ay ang listahan ng mga pangalan na bubuo sa inter-governmental steering committee na syang mangangasiwa ng joint exploration sa West Philippine Sea sa pagitan ng Pilipinas at China.

RELATED: Experts: Walang Dapat Ikabahala sa Deal Hinggil sa Joint Exploration

Nakakuha ang CNN Philippines ng dokumentong isinumite ng China mula sa isang “highly-placed source.” Pitong myembro ang galing sa China na pangungunahan ni Vice Foreign Minister Luo Zhaohui bilang co-Chairperson at si Vice Minister Li Fanrong ng National Energy Administration bilang co-vice chairperson.

Kasama rin bilang myembro sina:

  • Hong Liang – Director General ng Department of Boundary and Ocean Affairs ng Ministry of Foreign Affairs
  • Shen Minjuan – Deputy Director General ng Department of Asian Affairs ng Ministry of Foreign Affairs
  • Gou Haibo – Counselor ng Department of Treaty and Law ng Ministry of Foreign Affairs
  • Liang Jinzhe – Deputy Director General ng Office of Foreign Affairs Commission ng CPC Central Committee
  • Liu Hong – Deputy Director General ng Department of Oil and Gas ng National Energy Administration

Walo naman ang opisyal na galing sa Pilipinas. Isang co-chair at isang co-vice chair at tatlong myebro mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), isa mula sa Department of Energy (DOE), Department of Justice (DOJ), at sa National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA).

Dahil sa pagbuo ng Steering Committee, isusulong na ang Memorandum of Understanding (MOU) hinggil sa Cooperation on Oil and Gas Development na pinirmahan ni DFA Secretary Teddyboy Locsin at ni Chinese Foreign Minister Wang Yi noong November 2018 nang bumisita si Chinese President Xi Jinping sa Pilipinas.

Napirmahan na rin ang Terms of Reference (TOR) nina Locsin at Wang noong isang buwan.

Ayon sa MOU, bubuo ang dalawang bansa ang inter-governmental joint steering committee at isa o higit pang Inter-Entrepreneurial Working Group na galing sa mga kinatawan ng mga negosyong awtorisado ng dalawang gobyerno.

Ang TOR naman ang syang magsisilbing implementing guideline ng MOU na nagsasabing buo na ang working group kapag natanggap at nakompirma na ng China ang notice na naglalaman ng mga kinatawan ng Pilipinas sa working group.

Ayon din sa TOR, ang Working Group ay magkakaroon ng kapangyarihan at awtoridad na pasimulan kaagad ang diskusyon at negosasyon hinggil sa mga kasunduang teknikal at komersyal na napagkasunduan ng komite.

Itinalaga ng China ang China National Offshore Oil Corporation bilang kinatawan nito sa lahat ng working groups. Itatalaga naman ng Pilipinas ang isang korporasyon na mayroon ng service contract sa gobyerno sa lugar na planong pagkuhanan ng langis.

Ayon sa TOR, kung walang korporasyon, ang Philippine National Oil Company – Exploration Corporation ang syang kakatawan sa Pilipinas.

Ayon kay Senior Associate Justice Antonio Carpio, nasa pangatlong yugto na tayo ng pagtatalo sa South China Sea. Si Carpio ay isang kritiko ng rehimeng Duterte pagdating sa pagiging masunurin nito sa China hinggil sa territorial at maritime disputes ngunit suportado nya ang MOU sa joint exploration.

Sa mga naunang lectures ni Carpio, sinabi nyang tatlong yugto ang away ng Pilipinas at China sa South China Sea.

Unang yugto: ang paggiit ng China na mayroon silang soberanya sa nasabing karagatan.

Ikawalang yugto: ang pagpayag ng China na magkaroon ng kompromiso hinggil sa usapin.

Pangatlong yugto: ang pagpayag ng China na mayroon ngang sovereign rights ang Pilipinas ngunit gusto nila ng share sa kita

Di naman sinabi sa TOR kung anong partikular na lugar ang sentro sa joint exploration, ngunit ayon kay Duterte at ilang opisyal, 60-40 ang sharing pabor sa Pilipinas sa exploration ng Recto Bank o Reed Bank sa Palawan.

Ang Recto Bank ay katabi ng Malampaya gas field na pinagkukunan ng 20% ng kabuuang power supply ng Pilipinas. Inaasahang mauubos na ang supply sa Malampaya sa loob ng 10 taon.

Noong 2010, ibinigay ng rehimeng Aquino sa pamamagitan ng DOE ang Service Contract para sa Recto Bank sa Forum Energy Plc. (FEP) na karamihan ng shares ay pag-aari ng Philex Petroleum Corp, isang mining company na pinapangunahan ni Manny Pangilinan.

Natigil ang exploration ng Forum Energy dahil ginulo sila ng mga Chinese vessel. Nagkaroon ng moratorium sa exploration ng Reed Bank nang mag-file ng kaso sa Permanent Arbitration Court ang Pilipinas sa The Hague. Hanggang ngayon, umiiral pa rin ang moratorium na ito.

Ano ang makukuha ng China sa joint exploration? 40% ng anumang produksyon mula sa proyekto. Ganun din, nakakuha sila ng kanais-nais na posisyon sa Recto Bank.

Para sa Pilipinas, ipinapahiwatig nito ang pagkilala ng China sa sovereign rights natin sa lugar.

Ayon kay Carpio, ang anumang service contracts ng DOE ay nagsasabing mayroong exclusive sovereign rights ang Pilipinas sa gas o langis sa mga lugar na naibigay sa service contractor.

RELATED: Ano ang mga Hamon sa Seguridad Kapag Ipinagpatuloy ang Joint Exploration?

Kinikilala rin naman ito ng service contractor na pag-aari natin ang anumang resources sa lugar.

Dahil sa pagkakaroon ng kontrata para sa joint exploration sa Recto Bank, kinikilala ng China ang sovereign rights ng Pilipinas sa ilalim ng United Nations Law of the Sea (UNCLOS) na syang itinaguyod ng 2016 decision ng arbitral court.

 

Source:

Tordesillas, E. T. (2019, September 2). What China, Philippines will get from joint exploration. Retrieved from ABS-CBN News: What China, Philippines will get from joint exploration