INSIGNE: AYOKO NANG MAKAUSAP SI DUTERTE! UWI NA LANG AKO!

Kapitan ng barko na pinalubog ng Tsina na si June Insigne, ayaw nang makausap pa si Duterte. Mas piniling umuwi na lamang. Bakit kaya?

Duterte, nais makipagpulong sa kapitan ng lumubog na bangka sa Malacañang

Umugong ang balita kahapon na nais ni Duterte na makipagpulong sa kapitan ng bangkang pinalubog ng isang Chinese fishing vessel sa West Philippine Sea.

Ito ay ayon na rin kay San Jose, Occidental Mindoro Mayor Romula Festin. Ayon sa kanya, ililipad si Junel Insigne kasama ang cook na si Richard Blaza sa Malacañang ngayong Lunes para sa pagpupulong nila sa Pangulo.

Si Blaza ang nakakita na isang Chinese fishing vessel ang bumangga sa kanila noong June 9 samantalang nagpapahinga naman ang ibang kasama nyang mangingisda.

Ayon kay Festin, sasamahan sina Insigne at Blaza ng mga opisyal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Isang linggo na ang nakalipas mula nang mangyari ang insidente, di pa rin nagbibigay ng pahayag si Duterte tungkol dito. Pinag-aaralan pa diumano kung ano ang nangyari.

RELATED: DUTERTE NALUNOK ANG DILA? TAHIMIK SA ISYU NG PAG-ABANDONA SA MGA PILIPINONG MANGINGISDA

Hindi naman natitinag sina Insigne at Blaza sa pagsasabing isang Chinese vessel ang bumangga at nang-iwan sa kanila.

Insigne umatras na sa pakikipagkita kay Duterte

Ayaw nang makipagkita ni Junel Insigne kay Duterte. Ayon sa mayor ng San Jose, papunta na si Insigne sa Calapan City kaninang madaling araw para sumakay ng barko papuntang Batangas City nang sinabi nyang gusto na nyang umuwi.

Nagpababa na lamang si Insigne sa Roxas, Oriental Mindoro. Dalawang oras na lamang ang layo ng Roxas sa Calapan.

Ipinasundo naman sya ng kanilang mayor. Di masabi ni Festin ang dahilan kung bakit mas pinili ni Insigne na umuwi na lamang sa halip na pumunta ng Malacañang.

Nagpatuloy naman si Richard Blaza at si Arlinda dela Torre na ina ng may-ari ng bangka.

Paiba-iba ang sinasabi ng mga opisyal ng gobyerno

Walong araw na ang nakalipas ngunit wala pa ring opisyal na pahayag si Duterte tungkol sa nangyari. Ang mayor ng San Jose ang nagbalita na pupunta si Insigne sa Malacañang para kaharapin ang Pangulo.

Noong nasa barko pa ng Philippine Navy ang mga mangingisda, sinabi na ni Insigne na isang barko ng Tsina ang nagpalubog sa kanilang bangka noong June 9 sa Recto Bank.

Hindi pa inamin nang agaran ito ng Tsina.

Kahapon, nang bumisita si Department of Energy Secretary Alfonso Cusi sa Mindoro, sinabi nitong magkakaroon ng emergency Cabinet meeting para talakayin ang isyu.

Ngunit, itinanggi naman ni Executive Secretary Salvador Medialdea ito. Pero, ayon kay Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana, matutuloy ito.

Ngayong Lunes nang umaga, walang kompirmasyon mula sa Malacañang kung matutuloy ang sinasabing pagpupulong.

Di nakakapagtakang umayaw makipagpulong si Insigne. Iba iba kasi ang sinasabi ng mga opisyal ng gobyerno. So, di sila seryosong ipagtanggol ang mga biktima.

 

Source:

Talabong, R. (2019, June 17). Captain of sunken boat backs out of meeting with Duterte. Retrieved from Rappler: Captain of sunken boat backs out of meeting with Duterte

Talabong, R. (2019, June 16). Duterte to meet with captain of sunken boat in Malacañang. Retrieved from Rappler: Duterte to meet with captain of sunken boat in Malacañang