Hague Ruling Di na Idudulog Muli ni Duterte

hague ruling

Bigo si Duterte na ipilit ang Hague ruling kay Xi Jinping. Nalunok ang dila.

Hague ruling di na ulit ipipilit ni Duterte – Malacañang

Gaya ng inanunsyo ni Duterte, idinulog nga nya ang 2016 arbitral award na pumabor sa Pilipinas sa usapin ng pag-aaway away sa South China Sea ngunit naging matigas din naman si Chinese President Xi Jinping sa pagtangging kilalanin ito.

RELATED: UWIAN NA! IPINANALO NA NI DUTERTE ANG CHINA LABAN SA PILIPINAS

Nangako si Xi na iiwasan na ng China ang anumang “provocative acts” sa South China Sea, ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Di na rin muling ipipilit ni Duterte ang nasabing usapin sa mga susunod pang pagkikita nila ni Xi.

Nasa China ang Pangulo para sa isang five-day official visit. Noong Huwebes nang gabi ay binuksan nya ang usapin sa 2016 ruling sa The Hague.

Matatandaang sinabi na ni Panelo na ibig ni Duterte na pag-usapan nila ni Xi Jinping ang tungkol sa Hague ruling. Iginiit naman diumano ito ng Pangulo ngunit ayaw pa rin itong tanggapin ng China.

Ayon kay Panelo, nagkaintindihan naman ang dalawang lider sa kanilang magkasalungat na pananaw hinggil sa sigalot sa South China Sea ngunit hindi ito dapat maging hadlang sa pagsusulong ng kooperasyong pang-ekonomiya at seguridad, at sa pagpapalawig pa ng mabuting relasyon ng dalawang bansa.

Napagkasunduan ng magkabilang panig na iiwasan na ang pagiging agresibo at anumang aksyong pwedeng makapagpagulo sa rehiyon, gaya ng nangyari kamakailan.

Nang tinanong si Panelo kung anu-ano ang mga provocative acts, sinabi nyang kasama rito ang mga sumusunod:

  • Di awtorisadong pagpasok ng mga Chinese warship sa karagatan ng Pilipinas
  • Panliligalig sa mga mangingisdang Pilipino ng mga Chinese
  • Pagkakaroon ng Chinese fishing vessels sa West Philippine Sea

Di naman sigurado si Panelo kung hindi na magtatayo ng mga istrukturang pangmilitar ang China sa pinag-aawayang karagatan.

Dahil sa matigas ang pagtutol ni Xi na tanggapin ang Hague ruling, di na ito idudulog pang muli ni Duterte sa mga susunod na pagtitipon ng dalawang lider.

Di naman diumano bigo ang pagtitipon ng dalawang lider kahit na di napilit ni Duterte si Xi na magbago ng pananaw hinggil sa arbitral ruling.

Duterte kailangang dumulog na sa United Nations

Ayon kay dating Department of Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, ang Hague ruling ay importanteng parte ng international law.

Dapat ganito tumakbo ang usapan nina Duterte at Xi. Dahil sa napanahinuhod ni Xi ang Pangulo, nangangahulugang nanaig ang kawalan ng rule of law.

Mali si Duterte at ang kanyang ginawa ay betrayal of trust na ibinigay sa kanya ng mga Pilipino. Hinimok ni Del Rosario ang Pangulo na dumulog sa United Nations (UN) General Assembly para suportahan ang 2016 arbitral ruling.

Kailangang magkaroon ng istratehiya sa pagdulog sa UN. Mangangailangan ito ng mahabang panahon at kasipagan, ngunit kailangang gawin ito para sa mga susunod na henerasyon. Kailangang makumbinse ang liderato na maging malakas at wag panghinaan ng loob.

Ganito rin naman ang nangyari sa ibang bansa noon. Halimbawa, naging matagumpay ang Nicaragua sa pagla-lobby ng resolusyon para sumunod ang UN sa ruling ng International Court of Justice noong 1986.

Matagal nang nagbabala si Del Rosario na kailangan ang multilateral approach sa paggigiit ng mga karapatan sa karagatan bago pa lumawak ang pinsala.

RELATED: China Bullying Inamin ni Lorenzana

Matatandaang si Del Rosario ang DFA Secretary noong magdesisyon ang Pilipinas na dalhin sa korte ang usapin ng pagmamay-ari sa South China Sea laban sa China.

Nabahag ang buntot ng Pangulo ng Pilipinas. Nanalo ang angas ni Xi Jinping. Malamya ang pagkalatag ng usapin sa Hague ruling. In short, naduwag si Duterte.

 

Sources:

Ramos, M. (2019, August 31). Duterte won’t raise Hague ruling again, says Palace. Retrieved from Inquirer: Duterte won’t raise Hague ruling again, says Palace

Tomacruz, S. (2019, August 31). Del Rosario to Duterte gov’t: Bring Hague ruling to United Nations. Retrieved from Rappler: Del Rosario to Duterte gov’t: Bring Hague ruling to United Nations