Fake News of the Century ang Claim ng China

fake news of the century

Ayon kay Tony Carpio, fake news of the century at isang malaking panloloko ang 9-dash line ng China.

Carpio: Fake news of the century ang pag-angkin ng China sa West Philippine Sea

Ayon kay Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, hindi dapat palampasin ang kasinungalingan at panloloko ng China.

Hinikayat nya ang mga Pilipino at iba pang lahi sa Southeast Asia na magpakalat ng katotohanan at pasinungalingan ang ipinapakalat ng China tungkol sa South China Sea.

RELATED: China Squatting sa WPS! – DND

Sa kanyang speech sa Ateneo de Davao University kamakailan, sinabi nyang hindi natin maaasahan ang gobyerno ng China na sabihin nito sa mga mamamayan nila na peke ang history na ipinapakalat nila kaya dapat tayo ang magsabi nito.

Kailangan ng edukasyon para sa lahat ng tao sa buong mundo para lahat tayo ay magkumbinsi sa mga Chinese na peke ang history nila at kailangang tigilan na nila ang pagpaniwala rito.

Walang historic right ang China sa South China Sea ayon na rin sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Ngunit, iba ang sinasabi ng gobyerno ng China sa mga mamamayan nito. Para sa kanila, kinukuha lamang ng bansa nila ang kung ano ang para sa kanila, base sa historic rights nila.

Sa ilalim ng Qing Dynasty (1644 – 1912), ang teritoryo ng China ay hanggang Hainan province lamang, base na rin sa mga lumang mapa at pag-aaral ng Chinese scholars at experts.

Ang mga mapang ito ang kasamang iprinisinta ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration (PCA) para patunayang mali ang 9-dash line ng China.

Noong July 12, 2016, idineklara ng arbitral tribunal na hindi tama ang 9-dash line ng China at pumabor ang desisyon sa Pilipinas. Ayaw naman tangkilikin ng China ang hatol ng PCA.

Nagsimula lamang mag-angkin ang China sa labas ng Hainan province noong 2012 kung kailan inangkin nito ang Paracels Islands sa Vietnam at ang Spratlys noong 1946.

Ganun din, mali ang mga huling sinasabi ng mga opisyal ng China, kasama na si Xi Jinping, na bumisita si Admiral Zheng He sa Pilipinas 600 taon na ang nakalipas. Wala namang nagpapatunay na Chinese scholar dito.

Pinapaniwala ng gobyerno ng China ang mga Intsik sa ganitong pekeng istorya na kanila ang 85% ng South China Sea.

Hindi na natin mababago ang isipan nila kahit mali ito. Para kay Carpio, fake news of the century ito. Isang malawakang panloloko sa buong sangkatauhan.

Hindi natin dapat asahan na susunod ang gobyerno ng China sa arbitral ruling dahil posible silang tanggalin sa pwesto ng mga Chinese dahil ipinamigay nila ang teritoryo nito.

RELATED: UWIAN NA! IPINANALO NA NI DUTERTE ANG CHINA LABAN SA PILIPINAS

Kailangang turuan ang mga Pilipino tungkol sa katotohanan dahil may ilang Filipino scholars din ang naniwala sa pang-aangking ito ng China na itinuturing na isang malawakang pagpapakalat ng maling impormasyon matapos ang World War II.

Edukasyon ang susi para labanan ang fake news of the century. Patuloy nating basagin ang maling impormasyon na ipinapakalat ng China.

 

Source:

Lacorte, G. (2019, August 25). Carpio: China’s sea claims ‘fake news of the century’. Retrieved from Inquirer: Carpio: China’s sea claims ‘fake news of the century’