DUTERTE, TAMEME SA CHINA

Talakitok si Duterte pagtatanggol sa Pilipinas sa ibang bansa. Ngunit, ang Pangulo ng bansa ay tameme sa China.

Soberanya ng Pilipinas ipinagtatanggol ni Duterte sa iba, maliban sa China

Ayon sa kay Center for People Empowerment in Governance Director for Policy Studies Bobby Tuazon, double standard ang foreign policy ni Duterte.

Ikinumpromiso ng Pangulo ang soberanya  ng Pilipinas sa pakikipagmabutihan nya sa China pero ipinipilit naman nya ito sa ibang bansa at international organizations.

Iba’t ibang pagpaparaya ang ginagawa ng rehimeng Duterte pagdating sa China. Kaya nitong himayin ang mga isyu at isulong ang mapayapang pag-uusap at negosasyon.

RELATED: UWIAN NA! IPINANALO NA NI DUTERTE ANG CHINA LABAN SA PILIPINAS

Ayon sa mga kritiko ng Pangulo, napagtibay ang relasyon ng Pilipinas at China kapalit ang anumang yamang dagat at teritoryo natin sa West Philippine Sea.

Matatandaang sinabi ni Duterte na ordinaryong aksidente sa karagatan lamang ang nangyari sa pagpapalubog ng isang Chinese vessel sa isang bangka ng mga Pilipino sa Recto o Reed Bank.

RELATED: PILIPINAS DI KAILANGAN ANG PERMIT NG CHINA PARA MANGISDA SA WEST PHILIPPINE SEA

Sa kabilang banda, patuloy ang atake ng Pangulo sa mga institusyong pang-internasyonal gaya ng International Criminal Court (ICC) at European Union (EU).

Pinupuna ng EU ang mga alegasyon ng paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng administrasyon ni Duterte at ito’y ikinakagalit ng Pangulo.

Ang marahas na kampanya laban sa droga ay sinasabing may higit sa 5,500 katao na biktima sa operasyon ng mga pulis. Samantala, sa bilang ng mga human rights groups, higit pa sa 20,000 katao ang patay dahil kasama ang pinatay ng mga vigilante.

Talakitok sa ibang bansa. Sobrang tapang. Lutang na lutang ang pagiging tameme sa China pero pinapalakpakan pa rin ng mga Pilipino. Anyare?!

 

Source:

Pagdanganan, M. (2019, July 21). Duterte asserts PH sovereignty to others, except China – analyst. Retrieved from Rappler: Duterte asserts PH sovereignty to others, except China – analyst