DUTERTE NALUNOK ANG DILA? TAHIMIK SA ISYU NG PAG-ABANDONA SA MGA PILIPINONG MANGINGISDA

Tatlong speeches na magkakasunod. Tahimik pa rin si Duterte tungkol sa pag-abandona sa mga Pilipinong mangingisda. Nalunok ba ang dila?

Duterte, sobrang tahimik sa pangyayari sa West Philippine Sea

Kilalang butangero si Duterte. Ngunit, sa tatlong magkakasunod na speech nya, wala man lang syang binanggit sa nangyaring pagpapalubog ng bangka ng mga Pilipinong mangingisda nang sinasabing isang Chinese vessel.

Nauna si Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pagsasapubliko ng nangyari sa Recto Bank sa Wet Philippine Sea na nangyari noong Linggo, June 9.

RELATED: NoyNoy: May Saysay ang UN Arbitral Ruling sa West Philippine Sea

Ilang oras matapos nagbigay ng pahayag si Lorenzana, nagbigay ng speech si Duterte para sa pagdiriwang ng Philippine Independence Day sa Malabang, Lanao del Sur.

Pagkatapos, nagbigay din sya ng speech kinagabihan sa oathtaking ng mga opisyal sa Cagayan de Oro.

Mga topics sa speech ni Duterte:

  • Mga komunista
  • Babala sa Ponzi scheme ng Kappa-Community Ministry
  • War on drugs
  • Paggamit ng Viagra

Kapansin-pansin na di nya binanggit ang insidente sa Recto Bank kung saan napahamak ang 22 Pilipinong mangingisda. Wala rin namang mga media interviews na naganap.

Matatandaang lagi naman delayed reaction si Duterte kapag China at ang pangangamkam nito sa West Philippine Sea ang sentro ng usapan.

Nagpalabas ng report ang military tungkol sa pagdami ng mga Chinese ships sa Pag-asa Island. 10 araw matapos ang insidente, tsaka pa lang nagsalita si Duterte. Sabi nya, magpapadala sya ng “suicide missions” doon.

Ini-report ni Magdalo congressman Gary Alejano ang harassment ng China sa isang rubber boat ng Philippine Navy sa Ayungin Shoal noong May 2018. Walang inilabas na pahayag si Duterte pero sa isang confidential meeting, sinabi nyang lubha syang nababahala sa katayuan ng mga sundalong Navy.

Pero, malaking balita ang nangyari sa Recto Bank dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na lumubog ang isang bangka ng Pilipinas na sinasabing isang Chinese vessel ang may gawa.

Department of National Defense ang nag-report. Habang tahimik si Duterte, humiling naman ang Malacañang sa China na parusahan ang crew ng nasabing Chinese vessel. Ayon dito, uncivilized at barbaric ang ginawang pang-iiwan ng mga Chinese sa mga Pilipinong mangingisda.

Ayon kay Foreign Secretary Teddy Boy Locsin, nag-file na sya ng diplomatic protest laban sa China pero wala namang ibinigay na detalye. Para kay Lorenzana, kaduwagan ang ginawa ng mga Chinese.

Tulog pa ba si Duterte? Bakit hanggang ngayon wala pang matapang na pahayag laban sa China para ipagtanggol ang mga Pilipino? Tulog pa ba o nagtutulug-tulugan lamang?

 

Source:

Ranada, P. (2019, June 13). 3 speeches in a row, Duterte silent on Chinese ship sinking PH vessel. Retrieved from Rappler: 3 speeches in a row, Duterte silent on Chinese ship sinking PH vessel