Chinese Investors Interesado sa Tatlong Isla

chinese investors fuga island

For sale na ba ang mga isla natin sa mga Chinese investors? Bakit?

Chinese investors minamataan ang tatlong isla ng Pilipinas

Ibig ng mga mamumuhunang Intsik na gamitin ang tatlong isla sa Pilipinas bilang economic at tourism zones.

Importante sa national security ang mga isla ng Fuga sa Cagayan, at Grande at Chiquita sa Subig Bay sa Zambales.

Ang Fuga Island ay syang nagbibigay ng pamamaraan para makapasok sa Pilipinas mula South China Sea at Pacific Ocean.

RELATED: Ano ang Ginagawa ng Sanrekwang Chinese from Mainland China sa Metro Manila?

Noong bumisita si Duterte sa Beijing noong Abril, nakakuha sya ng $12.16B investments mula sa mga negosyanteng Tsino.

Fuga Island as “Smart City”

Ibig magtayo ng “smart city” ng Fong Zhi Enterprise Corp. na nagkakahalaga ng $2B. Balak ng kumpanya na gawing sentro ng agriculture breeding at soil improvement ang isla ng Fuga. Ganun din, balak nitong magpatayo ng medical school at high-tech industrial park doon.

Ito ay parte ng kasunduan ng Isla Fuga Pacific Resorts Inc. na syang may-ari ng Fuga Islands sa Fong Zhi at China Enterprise Group International Investment Corp.

Ang plano para sa Fuga ay katulad ng ginawa ng mga Intsik sa Fujian province.

Ngunit, wala pa namang aktwal na investments, ayon kay Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) Business Development and Marketing Chief Gabriel Lingan.

Ganun din, nakakuha ang CEZA ng $1.9B na iba’t ibang proyekto sa mga Chinese investors para sa iba’t ibang bahagi ng Cagayan.

Nasaan ang Fuga Island?

Ang Fuga Island ay isang tahimik na bayan na parte ng Babuyan archipelago. Strategic ang lugar dahil ito ang nagsisilbing pintuan ng bansa mula sa Pacific Ocean at South China Sea.

Ang isla ay parte ng Aparri, Cagayan. Ang Isla Fuga Pacific Resorts ang may hawak ng landholding rights sa isla at isang beneficial leaseholder nito. Dati itong napabalitang pag-aari ni Tan Yu, isang negosyante.

Ayon sa CEZA, majority owner ng Fuga Island Holdings Inc., ang affiliate ng Isla Fuga Pacific Resorts, ang pamilya ni Roger Serafica.

Ayon sa Philippine Navy, ang Fuga Island at iba pang isla sa Batanes Group of Islands ay strategic dahil pwedeng kontrolin ang pagpasok at paglabas sa Luzon Strait dito.

Kaya nga, mayroong naval detachment doon para magkaroon ng presensya sa Mavulis Island na border ng Taiwan.

Kakaiba ang isla, ayon sa Navy, dahil mayroon itong private airfield sa katabing maliit na isla. Ganun din, malapit din doon ang isang telecommunications submarine cable na nagkokonekta sa Pilipinas sa iba pang lugar sa Asia.

Noong Abril din pinirmahan ang kasunduang nagkakahalaga ng $298M para sa development ng mga isla ng Grande at Chiquita na sakop ng Subic Bay Metropolitan Authority. Ang kasunduan ay pinirmahan ng GFTG Property Holdings at Sanya CEDF Sino-Philippine Investment Corp.

Ang Subic Bay ay 260 kilometro lamang ang layo mula sa Panatag Shoal na ngayon ay kontrolado ng China ngunit parte ito ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Ginamit ang mga isla ng Grande at Chiquita bilang depensa ng Espanya at Estados Unidos noong sinakop nila ang bansa.

Pinangangambahang magamit ang mga private Chinese investments para sa militarisasyon sa South China Sea.

Ano ang balak ng Chinese investors?

Posibleng magamit ang Fuga Island sa pagpapalawak ng geopolitical agenda ng China sa Pacific Ocean kung matuloy ang investment.

Posible na ngayong maglabas pasok ang mga Chinese sa isla at maipit sa gitna ang Pilipinas sa girian ng Taiwan at mainland China.

Ayon naman kay Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana, hindi kinonsulta ng mga negosyante ang kanyang opisina sa posibilidad ng banta sa seguridad sa bansa dahil sa pagpasok ng investments sa lugar.

RELATED: ANO ANG NAPALA NG PILIPINAS SA PAGDAMI NG MGA INTSIK?

Ayon naman kay security analyst Jay Batongbacal, kailangang pag-aralang mabuti ang anumang foreign investment dahil sa mga posibleng implikasyon nito.

Dagdag pa nya, masyadong interesado ang gobyerno sa pagpapapasok ng mga investment nang di naman pinag-aaralan ang mga posibleng epekto nito.

Walang masama sa pagpapasok ng mga Chinese investors sa bansa kung ang bawat proyekto ay pinag-aralang mabuti at isinangguni sa mga national security experts. Kaso, di naman pinadaan ang mga ito sa kanila. Bakit?

 

Source:

Mangosing, F. (2019, August 5). Chinese investors eye 3 PH isles. Retrieved from Inquirer: Chinese investors eye 3 PH isles