China Squatting sa WPS! – DND

china squatting wps

China squatting sa West Philippine Sea, sabi ng DND. Ano ang ginagawa sa mga squatter? PINAPALAYAS!

DND: China squatter sa West Philippine Sea

Ayon sa Department of National Defense (DND), nasa posisyon at pag-aari ng Pilipinas ang Wet Philippine Sea (WPS) at squatter lamang ang China.

Ayon kay DND Spokesperson Director Arsenio Andolong, may hawak tayong dalawang dokumento na nagpapatunay na atin nga ang West Philippine Sea: ang UN Convention on the Law of the Sea at at ang hatol ng Permanent Court of Arbitration noong 2016 kung saan ibinasura ang 9-dash line ng China.

RELATED: China Bullying Inamin ni Lorenzana

Sa SONA ni Duterte, sinabi nitong hindi maitaboy ng Pilipinas ang China sa West Philippine Sea dahil hawak na nila ito. Marami ang nagalit na opisyal ng gobyerno at maging mga mambabatas sa sinabing ito ng Pangulo.

Ilang araw matapos ang SONA, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na may advantageous position lamang ang China dahil sa mga itinayo nilang istraktura doon.

Ipinagdiinan din ni Andolong na hindi ipinaubaya ng Pilipinas ang kanyang mga posisyon sa West Philippines sa gitna ng mga nagsasabing nakuha na ng China ang Sandy Cay.

Nangako si Andolong na handa nilang ipagtanggol ang soberanya at maging ang sovereign rights gamit ang anumang pamamaraan na meron sila.

Ganun din, ang lahat ng mga Pilipino na may kakayahan ay dapat maging handa rin sa kanyang responsibilidad kapag dumating na ang panahon.

Año: Di pa panahon para tumanggap ng foreign tourists ang Pag-asa Island

Nasabi ni DND Secretary Delfin Lorenzana na magtatayo ang gobyerno ng mga istruktura para sa militar sa Pag-asa Island at posibleng mga hotel rin para sa mga Pilipinong gustong maging tourist doon.

Ngunit ayon kay Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, hindi pa panahon para tumanggap ng mga banyagang bibisita sa isla dahil pinag-aagawan pa ito at ayaw nating lumalala pa ang problema.

Ayon naman kay Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, hindi pa napag-uusapan ang turismo sa isla.

Del Rosario: Kailangang idulog na ng Pilipinas ang China squatting activities sa UN

Ayon kay dating Department of Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, pwedeng ikonsidera ng gobyerno ng Pilipinas ang pagdulog sa UN General Assembly hinggil sa isyu ng South China Sea laban sa China.

RELATED: PILIPINAS DI KAILANGAN ANG PERMIT NG CHINA PARA MANGISDA SA WEST PHILIPPINE SEA

Sa buong tatlong taon ni Duterte sa pwesto, nagsumikap ang bansa na magkaroon ng bilateral talks sa China pero na-bully, na-harass, at tinakot lamang tayo. Wala tayong laban sa isang Goliath.

Bago pa mas lumala ang sitwasyon na lumawak ang pinsala, kailangan nang gumamit ng multilateral approach.

Kailangang humiling ng suporta ang gobyerno ng Pilipinas para pilitin ang China na sumunod sa ipinag-uutos ng Permanent Court of Arbitration (PCA).

Ayon sa hatol ng PCA:

  • may sovereign rights ang Pilipinas sa exclusive economic zone nito
  • walang historical claim ang China sa mga resources sa South China Sea gamit ang kanilang 9-dash line

Ayaw kilalanin ng China ang hatol ng PCA na lumabas nang magsimula ang termino ni Duterte.

Ayon kay Del Rosario, kailangang gawing issue ang pananakot ng China.

Noong Miyerkules, nag-file ng diplomatic protest ang gobyerno ng Pilipinas laban sa China dahil sa dalawang insidente sa Sibutu Strait kung saan dumaan ang mga Chinese warship nang walang pahintulot ang ating gobyerno.

Ganun din, 113 Chinese vessels ang pumalibot sa Pag-asa Island kung saan may mga Pilipinong naninirahan.

Nanalo tayo sa kaso natin laban sa China. Ayaw lamang ipatupad ni Duterte. Ngayon, andito na ang mga Intsik sa ating bansa. Sabi nga ng DND, China squatting in our properties. Anyare, Duterte?

 

Sources:

ABS-CBN News. (2019, August 2). Del Rosario: PH should take South China Sea row to UN. Retrieved from ABS-CBN News: Del Rosario: PH should take South China Sea row to UN

ABS-CBN News. (2019, August 1). DILG chief: Not a good time yet for foreign tourists to visit Pag-asa Island. Retrieved from ABS-CBN News: Not a good time yet for foreign tourists to visit Pag-asa Island

Mangosing, F. G. (2019, August 1). DND: China ‘squatting’ in West Philippine Sea. Retrieved from Inquirer: DND: China ‘squatting’ in West Philippine Sea