China Bullying Inamin ni Lorenzana

china bullying lorenzana

Aminado si DND Secretary sa China bullying. Ang tanong, ano ngayon ang gagawin ng AFP dito?

Lorenzana inaming may China bullying na nagaganap

Ayon kay Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana, iba ang sinasabi ng China at iba rin naman ang ginagawa nito. Press release lamang ang kanilang pangako na susunod sa international law.

Sa isang panayam sa kanya hinggil sa speech ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua sa anibersaryo ng People’s Liberation Army (PLA) noong Lunes, sinabi nito na maraming beses na nyang narinig ang iba’t ibang bersyon ng speech.

Wala namang bagong sinabi. Ibig ng China ng kapayapaan ngunit iba naman ang kanilang ginagawa.

Ang pagsakop ng China sa Scarborough Shoal ilang taon na ang nakalipas ay isang klase rin ng China bullying.

Parte ng exclusive economic zone ng Pilipinas ang nasabing shoal na sinakop ng China noong 2012.

Sinabi ni Zhao noong Lunes na susundan ng China ang daan tungo sa kapayapaan at nangangako silang magkakaroon ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Ayon sa kanya, nagpapatuloy ang bansa sa pakikipagtulungan sa Pilipinas at sa iba pang bansa para masolusyunan ang kani-kanilang sigalot sa South China Sea sa pamamagitan ng bilateral negotiation at consultation.

RELATED: DUTERTE, TAMEME SA CHINA

Hindi rin intensyon ng China na pigilan ang kalayaan ng paglalayag sa South China Sea. Ngunit, ayon na rin sa mga ulat ng media, nagpapatuloy naman ang paghahamon ng bansang Tsino sa militar at coast guard ng Pilipinas kaya hindi rin naman makakatotohanan ang mga sinasabi ni Zhao.

In short, press release lamang ang lahat. Papogi lamang sa international communities.

Nagdududa rin naman si Lorenzana sa sinabi ng China na di sila bully at sumusunod sila sa international law.

Pampalubag loob lamang ang mga katagang sinambit ni Zhao pero ang totoo, iba ang kanilang sinasabi sa kanilang ginagawa.

Noong 2016, sinabi na ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague na walang katibayan ang China para angkinin ang buong South China Sea. Ngunit, ayaw naman nitong kilalanin ang ruling.

Maski sa Pulse Asia Survey, hindi pinagtitiwalaan ng mga Pilipino ang sinasabi ng China na ibig nito ang kapayapaan sa South China Sea.

RELATED: UWIAN NA! IPINANALO NA NI DUTERTE ANG CHINA LABAN SA PILIPINAS

Ayon kay Lorenzana, bullying ang pangangamkam ng mga isla sa West Philippine Sea. Natural lamang na pagdudahan ang China ng mga Pilipino. Mas mataas ang trust rating ng Amerika dahil hindi naman nila binu-bully ang Pilipinas.

Hanggang magtugma ang sinasabi ng China sa ginagawa nito, magpapatuloy ang kawalan ng tiwala ng mga Pilipino sa kanila.

Ang tanong, bully rin naman si Duterte pero bakit mataas pa rin ang trust rating nya sa mga Pilipino? China bullying has to stop. Duterte bullying has to stop too.

 

Source:

Mangosing, F. (2019, July 30). Lorenzana admits China’s ‘bullying’; says Beijing’s peace ‘rhetoric’ just ‘optics’. Retrieved from Inquirer: Lorenzana admits China’s ‘bullying’; says Beijing’s peace ‘rhetoric’ just ‘optics’