CARPIO SINOPLAK SI DUTERTE HINGGIL SA PANGINGISDA NG MGA INTSIK SA WPS

Kailangan pang soplakin ni Supreme Court Justice Antonio Carpio si Duterte tungkol sa pangingisda ng mga Intsik sa WPS.

Duterte: Ok lang mangisda ang mga Intsik sa karagatan ng Pilipinas

Kamakailan, sinabi ni Duterte na handa syang makipag-ayos sa Tsina sa usapin ng South China Sea. Papayagan din daw nya na mangisda ang mga Intsik sa kagaratan ng Pilipinas.

Ayon sa Pangulo, magkaibigan ang Pilipinas at Tsina at ayaw nila pareho na magkaroon ng madugong kumprontasyon.

Sinubukang ipaliwanag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang mga sinabi ni Duterte. Ayon sa kanya, may historical right daw ang mga Chinese sa West Philippine Sea. Ganun din, magkaibigan naman daw ang parehong bansa.

RELATED: Carpio: Di Dapat Payagang Bilhin ng China ang Hanjin

Ngunit, ayon kay Panelo, di raw ito nangangahulugan na bibigyan na ng karapatan ang mga Intsik na mangingisda sa karagatan ng Pilipinas. Posibleng kunsintihin lamang ang mga Intsik dahil magkaibigan nga ang dalawang bansa.

Di rin naman sigurado si Panelo kung ito na ang polisiya ng rehimeng Duterte tungkol sa awayan ng Tsina at Pilipinas sa South China Sea.

Karapatan sa soberanya ng Pilipinas

Ayon kay Senator Risa Hontiveros, hindi pwedeng makipagkasunduan ang Pangulo sa China sa pamamagitan ng pagpayag nito na makapasok ang mga mangingisdang Tsino sa West Philippine Sea.

Ang pakikipagkaibigan ng dalawang bansa ay hindi nangangahulugang isusuko na ng Pangulo ang soberanya ng Pilipinas at isasawalang-bahala na ang Saligang Batas at mga batas.

Ang exclusive economic zone ng Pilipinas ay isang lugar kung saan may karapatan ang bansa na gamitin ang mga resources dito.

Hindi pwedeng gawing “friend zone” ni Duterte ang exclusive economic zone ng Pilipinas.

Hanggang ngayon, wala pa ring imbestigasyon tungkol sa nangyari kung saan inabandona ng mga mangingisdang Tsino ang 22 mangingisdang Pilipino sa karagatan.

Hindi sang-ayon ang mga Pilipinong mambabatas sa joint inquiry ng China at Pilipinas hinggil sa nangyari noong June 9.

Ayon kay Sorsogon Bishop Arturo Bastes, kailangang imbestigahan na ng United Nations ang insidente para malaman ang katotohanan.

Ibig din ni Balanga Bishop Ruperto Santos na ang international community ang mag-imbestiga para maging kapani-paniwala at patas ang imbestigasyon.

Ngunit, para sa Pangulo, “little maritime accident” lamang ang insidente samantalang pinapalubag loob naman ng mga opisyal ng gobyerno ang mga Pilipinong mangingisda.

Carpio: Labag sa Saligang Batas ang payagang mangisda ang mga Intsik sa West Philippine Sea

Ayon kay Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, ang pagpayag na mangisda ang mga Intsik sa exclusive economic zone ng Pilipinas sa West Philippine Sea ay labag sa Konstitusyon.

RELATED: Carpio to Duterte: Mali ka na naman, bai!

Maliwang ang sinasabi ng Section 2, Article XII ng 1987 Constitution, “The State shall protect the nation’s marine wealth in its archipelagic waters, territorial sea, and exclusive economic zone, and reserve its use and enjoyment exclusively to Filipino citizens.”

Bilang Commander-in-Chief ng AFP, may tungkulin si Duterte na utusan ang military na protektahan ang mga yamang-dagat na sakop ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

May tungkulin ang Armed Forces of the Philippines na protektahan ang mga Pilipino at siguraduhin ang soberanya ng estado at ang integridad ng teritoryo ng bansa.

Kasama sa national territory ang iba pang submarine areas kung saan may soberanya o hurisdiksyon ang Pilipinas.

Matatandaang naipanalo ng Pilipinas sa arbitral tribunal noong July 2016 ang West Philippine Sea, kasama na ang Recto o Reed Bank. Nakasaad sa Saligang Batas na national territory din ang mga ito.

Ayon kay Carpio, may ekslusibong karapatan ang Pilipinas sa lahat ng isda, langis, gas, at anumang mineral resources sa West Philippine Sea.

Walang karapatan si Duterte na ipaubaya ang soberanya ng mga Pilipino sa China nang wala tayong pahintulot.

 

Sources:

Aurelio, J. M., & Ramos, M. (2019, June 26). Duterte: It’s OK to let China fishermen in PH waters. Retrieved from Inquirer: Duterte: It’s OK to let China fishermen in PH waters

Viray, P. (2019, June 26). Carpio: Allowing Chinese fishermen in Philippine EEZ unconstitutional. Retrieved from The Philippine Star: Carpio: Allowing Chinese fishermen in Philippine EEZ unconstitutional