BAKIT INAANGKIN NG CHINA ANG RECTO O REED BANK?

Inaangkin ng China ang Recto o Reed Bank. Malayang ibinibigay naman ni Duterte. Paano na ang mga Pilipino kung patuloy na lang papaboran ang mga Intsik?

Bakit pinagnanasahan ng China ang Recto Bank na pag-aari ng Pilipinas?

Ang pagpapalubog ng Chinese vessel sa F/B Gem-Ver na may lulang mga Pilipinong mangingisda ay syang nagpatingkad ng usapin sa Recto Bank.

Ang Recto Bank ay sinasabing may malaking imbak na langis at natural gas sa West Philippine Sea. Pag-aari ng Pilipinas ito ngunit inaangkin ng China.

Noong 2016, nagpalabas na ang international tribunal ng ruling na ang Recto Bank ay parte ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. Kapag sinabing EEZ, ito ay ang lugar na sumasakop ng 200 nautical miles mula sa baseline ng coastal state kung saan mayroong ekslusibong karapatan ang estadong ito para mangisda at gamitin ang anumang natural resources doon.

Noong 2013, nagpalabas ng datos ang US Geological Survey na nagsasaad na ang South China Sea ay mayroong 11B bariles ng langis at 190T cubic feet ng natural gas.

Ngunit, ayaw kilalanin ng China ang international court ruling at pinagpipilitan pa ring sa kanila ang buong South China Sea.

Payag ito sa joint exploration sa West Philippine Sea sa pagkukunwaring sa kanila ito at hindi sa Pilipinas. Hindi naman pwedeng pumayag ang ating bansa dahil ito ay paglabag sa Saligang Batas.

Di pagsang-ayon ng China balakid sa paggamit ng Recto Bank ng Pilipinas

Dahil sa di pagsang-ayon ng China, hindi tuloy natin makuha ang mga benepisyo sa Recto Bank.

Ayon sa aklat ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio noong 2011, pinagbabawalan ng Chinese Coast Guard ang Pilipinas na magkaroon ng oil and gas surveys sa Recto Bank.

Ayon din kay Carpio, kasama ang Malampaya sa inaangkin ng China dahil sa kanilang 9-dash line. Ang Malampaya ang pinakamalaking operasyon ng Pilipinas na pinagkukunan ng gas na syang nagbibigay ng 40% ng kabuuang pangangailan ng Luzon sa enerhiya.

Sa loob ng 10 taon, mauubos na ang gas sa Malampaya kaya kailangang pasimulan na ang pagbubuo ng panibagong pagkukunan ng enerhiya sa Recto Bank. Kung hindi ito mangyayari, asahan na ang brownout sa Luzon na tatagal ng 10-12 oras araw araw.

May moratorium sa oil exploration simula noong 2014

Di rin mapasimulan ang oil exploration dahil parte ang Recto Bank sa 2014 moratorium ni dating Pangulong Noynoy Aquino dahil sa kasong isinampa ng Pilipinas laban sa China noong 2013.

RELATED: NoyNoy: May Saysay ang UN Arbitral Ruling sa West Philippine Sea

Dahil sa moratorium na ito, hindi na naipagpatuloy ng Forum Energy, isang consortium na pinapangunahan ni Manny Pangilinan, ang oil exploration sa Recto Bank.

Matapos ang dalawang taon, nanalo ang Pilipinas sa kaso laban sa China.

Noong January 2019, iminungkahi ng Department of Energy sa Department of Foreign Affairs ang pagtatapos ng moratorium dahil na rin sa request ng Forum Energy noong December 2018. Ngunit, hanggang ngayon, di pa rin tinatapos ito.

Matatandaang bago ang pagpapatupad ng moratorium ay nagkaroon na ng pagtatalo ang Forum Energy at ang China.

Sinundan ng dalawang China Marine Surveillance vessels at pitong Chinese fishing vessels ang M/V Veritas Voyager na pag-aari ng Singapore na nagsasagawa ng seismic surveys para sa Forum Energy.

Matapos ang isang oras ay inutusan ng mga Chinese vessels ang Veritas Voyager na lumisan sa Recto Bank.

Tumigil sa pag-survey ng Recto Bank ang Veritas Voyager noong March 2, 2011 dahil na rin sa pananakot ng mga Chinese Vessels.

Sa araw na un, nagpadala ng note verbale ang Pilipinas sa China para iprotesta ang pananakot sa Veritas Voyager.

Sa international ruling noong 2016, sinabi nito na nilabag ng China ang obligasyon sa ilalim ng Article 77 ng UN Convention on the Law of the Sea dahil mayroong sovereign rights ang Pilipinas sa Recto Bank.

Idinemanda ng dating Pangulong Noynoy Aquino ang China dahil sa insidente noong 2011 sa Recto Bank.

Pinalakpakan at naging headline ang pagbanggit ni Aquino sa Recto Bank sa kanyang SONA noong June 2011.

Ayon kay Aquino, “Malinaw ang pahiwatig natin ngayon sa buong mundo: Ang sa Pilipinas ay sa Pilipinas. Kapag tumapak ka sa Recto Bank, para ka na ring tumapak sa Recto Avenue.”

RELATED: VP LENI, HUMARAP KAY JUNEL INSIGNE

Ngunit, ilang araw matapos ang insidente sa F/B Gem-Ver, mas pinili pa ni Duterte ang kumiling sa China. Ang Recto Bank ay atin, ayon na rin sa ruling ng international tribunal. Isang katraydoran ang pagkiling sa banyagang bansa, sa halip na sa ating mga Pilipino.

 

Source:

Esmaquel II, P. (2019, June 14). Recto Bank: Why China covets what belongs to the Philippines. Retrieved from Rappler: Recto Bank: Why China covets what belongs to the Philippines