Bakit Di Magtatagal and Kasunduan sa Enerhiya ng China-Philippines

Bakit Di Magtatagal and Kasunduan sa Enerhiya ng China-Philippines

Di habambuhay ay Pasko. Un lang un.

Non-Binding ang Memorandum of Agreement

Pinirmahan kamakailan ang Memorandum of Agreement para sa joint exploration sa West Philippine Sea noong bumisita si Xi Jinping sa bansa.

Malabo pa ang mga detalye pero ayon sa reports, di naman makakaapekto ito sa soberanya ng Pilipinas sa WPS.

Nakapaloob sa MOU ang pagtatatag ng isang grupo na mag-aaral kung paano magkakaroon ng joint exploration ang dalawang bansa.

Wala naman sa MOU ang agarang pag-drill o paghahanap ng energy sources sa karagatan. Pero, pasisimulan na ang pagkakaroon ng programa para sa joint ventures sa hinaharap.

Matatandaang may sari-sariling claims ang mga myembro ng ASEAN sa South China Sea. Ngunit, ang Pilipinas lamang ang nakakatanggap ng pinakamalupit na pagtrato ng China.

Hindi kinikilala ng China ang karapatan ng Pilipinas sa Scarborough Shoal o sa Spratly Islands.

Inaangkin ng China ang 90% ng South China Sea kahit na wala naman itong basehang legal at historical.

Pero, sa pagkiling ni Duterte sa China, naisantabi ang pagkapanalo ng Pilipinas sa arbitral ruling.

Base sa draft ng China version ng MOU, ang anumang joint exploration ay nakabatay sa prinsipyo ng “mutual respect, fairness and mutual benefit, flexibility and pragmatism and consensus through equal and friendly consultations.”

Ngunit, kahit na mayroon ng MOU, asahan pa rin ang patuloy na pagtutol dito.

Un nga lang, di naman nakikinig si Duterte. Mapapansing authoritarian o dictatorial ang style ng pamumuno ni Digong, lalo na ang pagpatay ng libo libong Pilipino dahil sa war on drugs.

Masyadong brutal ang mga pulis ngayon.

Isang problema sa pagpapalago ng relasyon ng China at Pilipinas ay ang pagiging pansamantala lamang nito.

Hindi naman panghabambuhay si Duterte sa pwesto. Kung papalarin, ihahalal ng mga Pilipino ang tunay na makakapagpasimula ng pagbabago at hindi panggagago.

Maraming kakandidato para sa pagka-Pangulo ang gagamitin ang isyu ng China.

Kung natuto na ang mga Pilipino, asahang ihahalal nila ang makakapagpanumbalik ng mga sinira ng kasakuluyang administrasyon.

 

 

Source:

Daiss, T. (2018, November 24). Why The China-Philippines Energy Deal Won’t Last.

Retrieved from Oil Price: https://oilprice.com/Energy/Energy-General/Why-The-China-Philippines-Energy-Deal-Wont-Last.html