Babala: Chinese ang Gustong Bumili ng Hanjin

Babala: Chinese ang Gustong Bumili ng Hanjin

May implikasyon sa stratehiya at sa seguridad yan pag nagkataon.

Dating Navy Chief Nagbabala sa Pagpasok ng China sa Subig Shipyard

Ayon kay dating Navy Chief Vice Admiral Alexander Pama, hindi lamang isyu sa ekonomiya ang nangyayari sa Hanjin. Isyu din ito hinggil sa national security.

Dalawang kumpanya sa China kasi ang interesadong bilhin ang Hanjin Heavy Industries and Construction Corp. na baon sa utang.

Ayon kay Pama, kapag napasakamay ng mga Chinese ang Hanjin shipyard, pwede nang magkaroon ng unlimited access ang China sa ating strategic geographic naval and maritime asset.

Pwedeng gawing de-facto naval base at maritime facility ito ng China kapag nagkataon.

Si Pama ang Navy Chief noong 2011 hanggang 2012 kung kailan naging masyadong kritikal ang isyu ng pangangamkam ng China sa South China Sea.

260 kilometers lamang ang layo ng Subic Bay sa Scarborough Shoal na okupado na ng China at parte ng West Philippine Sea.

Nasa Subic Bay din ang pinakamalalaking barko ng Philippine Navy. Kung mapapasakamay ng China ang Hanjin, posibleng gawin itong daungan ng Chinese Coast Guard.

Sabi ni Pama, nag-aagawan tayo sa South China Sea pero ipinamimigay natin ang Subic shipyard.

Hinimok ni Pama ang gobyerno at ang business sector na pag-aralang mabuti ang pagbebenta ng shipyard dahil sa mga banta sa national security.

Hindi dapat mapunta ang Hanjin shipyard sa mga Chinese!

 

 

Source:

Mangosing, F. (2019, January 12). Ex-Navy chief raises alarm on possible Chinese takeover of Subic shipyard.

Retrieved from Inquirer: https://business.inquirer.net/263484/ex-navy-chief-sounds-alarm-on-possible-chinese-takeover-of-subic-shipyard

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *