Na-Duterte

Kilala ko’y na-Duterte
‘kala nya sya’y swerte
Buhay nya raw ay bubute
Kaya boto’y kay Duterte

Pangako sya’y naniwala
Kay Duterte nagtiwala
Ngunit wala ngang himala
Bansa ngayo’y lumalala

Gusto ko man syang batukan
Sa dulot nyang kahihiyan
Meron mang pinag-aralan
Lutang naman kamangmangan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *