Mailap na Katarungan

Kabataan pinapatay
Mga musmos walang malay
Mga pangarap n’lang taglay
Kasama nilang nahimlay

Nasakote at nanlaban
Ngunit nakaposas naman
Handang makipagpatayan
Ngayo’y pinaglalamayan

Pulis pinapalakpakan
Ng engot na sambayanan
Bayani kung maturingan
Nasaan ang katarungan?

Kelan gigising ang bayan?
Na balot ng kadiliman
Patayan pinapayagan
Berdugo ang mamamayan

Kabataan pinapatay
Mga musmos walang malay
Mga pangarap n’lang taglay
Kasama nilang nahimlay

Nasakote at nanlaban
Ngunit nakaposas naman
Handang makipagpatayan
Ngayo’y pinaglalamayan

Pulis pinapalakpakan
Ng engot na sambayanan
Bayani kung maturingan
Nasaan ang katarungan?

Kelan gigising ang bayan?
Na balot ng kadiliman
Patayan pinapayagan
Berdugo ang mamamayan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *