Scrapping of 15% preferential rate on RHQs and ROHQs: FINAL ANSWER NA TALAGA?

Tatay Digs, peymus ka po sa pabago-bagong isip. Ang tanong: Final answer na ba talaga ung veto on 15% preferential rate ha? As in? Sure na sure ka na po?

Ano ang RHQ at ROHQ?

Ang RHQ ay Regional Headquarters at ang ROHQ naman ay Regional Operating Headquarters.

Ang RHQ ay opisina ng isang multinational company para lang sa administrative purposes. Ibig sabihin, ang opisinang ito ay isang sentro ng koordinasyon, komunikasyon at pangangasiwa ng mga affiliates, branches, at subsidiaries ng multinational company na may presensya sa Asia-Pacific region. Wala silang income na kinikita sa Pilipinas.

Ang ROHQ naman ay isang business na pag-aari ng dayuhan na kumikita ng income sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyo sa mga branches, subsidiaries, at affiliates sa Pilipinas, sa Asia-Pacific Region, at sa iba pang pangdaigdigang merkado.

Ano ang 15% preferential rate on compensation income?

Ang mga foreign nationals na empleyado ng mga nasabing opisina ay pinapatawan ng 15% tax sa kanilang pangkalahatang income, kasama na dun ang kanilang sweldo at anumang kanilang natatanggap na halaga mula sa pag-eempleyo. Ganun din, ang mga Pilipino na nagtatrabaho sa mga nabanggit na opisina ay pwedeng pumili ng kaparehong 15% tax sa kanilang gross income.

Ano ang nangyari sa 15% preferential rate sa panahon ni Duterte?

Isa sa mga napawalang bias ni Duterte sa pagpapatupad ng kanyang TRAIN o Tax Reform for Acceleration and Inclusion (RA 10963) ang 15% preferential rate na ito. Ibig sabihin, ang lahat ng banyaga at mga Pilipinong nagtatrabaho sa mga nabanggit na opisina ay kelangang magbayad ng buwis na naaayon sa itinakdang regular income tax rate.

Bakit daw? Sabi ni Duterte, ang 15% withholding tax rate ay labag sa 1987 Constitution. Yes! Ung Constitution na binabalahura nya pagdating sa usapin ng karapatang pantao. Pinipili lamang ni Digong ang mga probisyon ng 1987 Constitution na papabor sa kanyang nais.

Ano ang problema sa pagpapawalang bisa ng 15% preferential rate?

Unang una, may sariling batas ang mga RHQs at ROHQs na hindi nakapaloob sa NIRC o National Internal Revenue Code. Republic Act 8756, na naisabatas noong November 1999, sa ilalim ng 11th Congress, ang nag-amyenda ng Omnibus Investments Code of 1987.

Maliwanag ang sinasabi ng Article 61, Section 5 ng RA 8756:

Withholding Tax of 15% on Compensation Income. – Aliens employed by the regional or area headquarters and regional operating headquarters of multinational companies shall be subject for each taxable year upon their gross income received as salaries, wages, annuities, compensations, remuneration and emoluments to a tax equal to fifteen per centum (15%) of such gross income. The same tax treatment is applicable to Filipinos employed and occupying the same positions as those aliens employed by multinational companies: Provided, That said Filipinos shall have the option to be taxed at either 15% of gross income or at the regular tax rate on their taxable income in accordance with the National Internal Revenue Code, as amended by Republic Act No. 8424.”

TANONG: Kung pinawalang bisa ni Duterte ang probisyon tungkol sa 15% preferential rate for RHQs and ROHQs sa TRAIN, ibig bang sabihin nyan ay napawalang bisa rin nya ang Article 61 ang Republic Act 8756?

Pangalawa, pinapawalang saysay ni Digong ang pag-eengganyo sa mga banyagang namumuhan na magkaroon ng negosyo sa bansa.

Ayon sa PAMURI (Philippine Association of Multinational Companies Regional Headquarters Inc.), apat hanggang limang ROHQs ang ayaw nang mamuhunan sa bansa dahil sa pagtatanggal ng 15% incentive.

Ganundin, ang JFC (Joint Foreign Chambers) of the Philippines ay naniniwala sa pagpapanatili ng ganitong klaseng incentive.

Ayon sa ECCP (European Chamber of Commerce of the Philippines), isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng ROHQs ang mga multinational companies sa bansa ay dahil sa mga incentives na pinagkakaloob sa kanila. Ngayon, kung tinanggal na ni Duterte ang 15% preferential rate, asahan natin ang pagbabawas ng empleyado at operasyon, pagbaba ng bentahe ng Pilipinas sa ibang bansa, at ang pagbabawas ng paggastos at pagkalugi ng mga ROHQs na ‘to.

TANONG: Itinataboy ba talaga ni Tatay Digong ang mga banyagang namumuhunan dahil sa pagtatanggal ng ganitong klaseng incentive?

Tatay Digs, sanay na po kami sa pabago-bago ng isip mo. Wish ko lang po na magbago ang isip mo tungkol sa 15% preferential rate para sa RHQs ata ROHQs. Kawawa rin ang mga Pilipino at ang Pilipinas sa naisipan mong yan, sa totoo lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *