Nawawalan na rin ng Pag-asa Maging ang mga Negosyante sa Pilipinas

Nawawalan na rin ng Pag-asa Maging ang mga Negosyante sa Pilipinas

Malala na ‘to. Maging mga negosyante ay hindi na natutuwa sa mga pangyayari sa bansa.

“Sword of Damocles” raw ang TRAIN v2.0

Sa isang pagtitipon sa World Trade Center sa Manila, nagsalita si Philippine Economic Zone Authority Director General Charito Plaza, “May I appeal to the government not to kill the goose that lays the golden eggs, our industries and investors.”

Sa pagbabalik ng mga mambabatas sa Mayo, pasisimulan na ang talastasan tungkol sa Part 2 ng TRAIN ni Duterte. Noong Disyembre, naisabatas na ang part 1 ng TRAIN na nagtapyas ng personal income taxes, ngunit nagtaas naman ng tax sa mga produkto gaya ng fuel at coal.

Sa pangalawang package ng TRAIN, ibababa ang corporate income tax nang dahan dahan, ngunit tatanggalin naman ang maraming incentives na tinatamasa ng mga malalaking kumpanya na karamihan ay rehistrado sa PEZA.

Sa ngayon, ang mga PEZA-registered companies ay hindi nagbabayad ng income tax hanggang sa ika-walong taon nito. Pagkatapos, 5% income tax ang binabayad nila base sa kanilang gross income.

Ngunit, nais ng Department of Finance na gawing base sa performance ang tax breaks. Ibig sabihin, posibleng hindi lahat ng export-oriented companies ay mabigyan ng tax break. Ganun din, ibig ng DOF na maging 15% ang income tax base sa net taxable income ang bayaran ng mga kumpanyang ito at hindi na ang dating 5% income tax.

Ayon kay Plaza, “TRAIN 2 has become a sword of Damocles hanging over the head of PEZA and the industries and investors. All industries have submitted their position papers and everybody is against it.”

Bumagsak ng 51.8% ang investment pledges noong 2017, sapagkat lumikha ng takot ang TRAIN na posibleng baguhin ng rehimeng Duterte ang rules. Ganun din, hindi malinaw kung ano ang foreign policy ni Digong.

Marami ang tumuligsa sa war on drugs ni Duterte dahil sa libo libong suspects ang namatay ng walang due process. Ganun din, noong 2016, sinabihan ni Digong ang mga US at EU investors na umalis na ng bansa. At, sinabihan nya ng “son of a whore” si Obama.

Niligawan ni Digong ang mga Chinese investors sa Beijing at sinabing hihiwalay na ang bansa sa US. Ang mga ganitong pangyayari ang nagpasimula ng pagkonti ng mga foreign investment pledges.

Ayon kay Trinh Nguyen, senior economist ng Natixis, kahit na $10B ang actual foreign direct investment sa Pilipinas noong isang taon, kelangang bigyan ng pansin ang pagbaba ng pledges sa loob ng dalawang magkasunod na taon. Sabi ni Nguyen, “What is worrying, of course, is the deterioration of the pledges, which suggests that future inflows will likely be weak.”

Isa sa dahilan ng pagiging kulelat ng Pilipinas sa foreign direct investment ay ang 30% income tax na ipinapataw sa mga businesses. Ito ay ang pinakamataas ng income tax sa buong Southeast Asia.

Sa Pilipinas, ang PEZA ang tumulong sa BPO industry para maging malago ito. Nabigyan ng mga call centers ng trabaho ang maraming Pilipino. Dahil sa may hanapbuhay na sila, naging maganda ang takbo ng domestic consumption sa bansa.

Ang BPO sector ay nakapag-ambag ng $24.5B na kita noong isang taon. Ang halagang ito ay 8% ng gross domestic product ng bansa. 2/3 ng mga kumpanya sa BPO sector ay mga US companies.

Noong 2017, bumagsak ng 32% ang BPO-related investments. Ito ay isang malaking threat sa goal ng Information Technology and Business Process Association of the Philippines. Objective ng grupo na palaguin ang BPO industry para maka-employ ng mas maraming Pilipino.

Pinagpipilitan ng DOF na 300B pesos ang nawawala sa Pilipinas taon taon dahil sa mga fiscal incentives na ibinigay sa mga PEZA-registered companies. Ang mga perks daw ng gobyerno ay dapat ilaan sa emerging sectors.

Ayon kay DOF Secretary Carlos Dominguez III, “The world is changing and there are many new industries that are developing, such as robotics, data analytics [and] artificial intelligence. These are the kinds of industries we want to attract, because AI is poised to take over some of the lower-end business process outsourcing businesses.”

Ngunit, ayon kay Plaza, “It’s our incentives that are the first consideration of investors, not infrastructure, logistics and supply of raw materials, because we are still deficient in these factors,” she said. The policy “has been kept by four administrations because it has worked.”

Ang mga CEOs ng Pilipinas ang Isa sa Pinaka-Pessimistic sa Usapin ng Domestic Tax

Sa isang ASEAN CEO Survey na ginawa noong 2017, napag-alaman na 84% ng mga CEOs sa Indonesia, Myanmar, Vietnam, Malaysia, Thailand, at Pilipinas ay may positive o very positive na expectations sa business conditions sa kanilang mga lugar. 72% naman ang may likely o very likely na magkakaroon ng malaking capital investment.

Ngunit, in terms of tax competitiveness, ang Pilipinas, kasama ang Myanmar, ang most pessimistic pagdating sa usapin ng tax sa domestic environment.

Kung patitigasan ng rehimeng Duterte ang malawakan at marahas na pagbabago sa usapin ng taxation, saan kaya pupulutin ang Pilipinas?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *