Mag-asawang Ligot Abswelto sa 428.077M Pesos Tax Evasion

Mag-asawang Ligot Abswelto sa 428.077M Pesos Tax Evasion

Ang swerte!

Dating AFP Treasurer Ligot at Asawa Abswelto!

Abswelto si dating military comptroller Jacinto Ligot at kanyang asawa sa kasong tax evasion sa Court of Tax Appeals.

Pero, ayon sa 3rd Division ng korte, pwede pa ring singilin ng BIR ang mga Ligot sa halos 400M pesos na di pagbabayad ng income tax mula 2001 hanggang 2004.

Ang pagbabayad ng buwis ay isang obligasyon sa ilalim ng batas. Di ito dulot ng di pagbabayad ng buwis.

Iaapela naman ng BIR ang desisyon.

Naakusahan ang mag-asawang Ligot sa maling pag-file ng income tax returns at SALN mula 2001 hanggang 2004. Idineklara lamang nilang income ang galing sa sweldo. Di isinama ang naipong kayamanan na higit sa 400M pesos sa loob ng apat na taon.

Ganun din, kinasuhan din ang mag-asawa sa pagkakaroon ng mga pag-aari sa iba’t ibang dako sa Pilipinas na di deklarado. Ganun din, may malaking deposito sa bangko ang mga Ligot na higit pa sa mga lehitimo nilang kinita.

Pero, ayon sa korte, di napatunayan ng prosekusyon na guilty beyond reasonable doubt ang mga Ligot kaya abswelto sila sa kaso.

Mayroon ding kasong graft si Ligot sa Sandiganbayan. Ipinapasamsam din ang mga ari-ariang nakuha nya habang sya ay AFP Treasurer.

Paanong abswelto sa tax evasion pero pinapasingil ng korte ang tax deficiencies?

 

 

Works Cited

Ramirez, J. (2019, January 15). Former AFP treasurer Ligot and wife acquitted of multi-million tax evasion case.

Retrieved from Manila Bulletin: https://news.mb.com.ph/2019/01/15/former-afp-treasurer-ligot-and-wife-acquitted-of-multi-million-tax-evasion-case/

Tolentino, M. (2019, January 17). Court of Tax Appeals acquits ex-military comptroller, wife.

Retrieved from Manila Times: https://www.manilatimes.net/court-of-tax-appeals-acquits-ex-military-comptroller-wife/497678/

One thought on “Mag-asawang Ligot Abswelto sa 428.077M Pesos Tax Evasion”

Comments are closed.