Bakit Bumaba ang Halaga ng Luxury Cars kung Tumaas ang Excise Tax on Vehicles sa TRAIN ni Duterte?

Akala ko ba eh pro-poor ang rehimeng Duterte? Bakit sa ilalim ng rehimeng Duterte ay mas favorable pa ang bagon excise tax on vehicles sa mga mayayaman?

Dahil sa TRAIN (Tax Reform for Acceleration and Inclusion) ni Duterte, maging ang presyo ng mga sasakyan ay pinatawan na rin ng mas mataas na tax.

Ayon sa website ng Department of Finance, ang pagbabago sa excise tax on vehicles ay ang mga sumusunod:

excise tax on vehicles

At dahil ipinapatupad na ang TRAIN ngayon 2018, hindi nakakagulat na tumaas nga ang halaga ng mga sasakyan sa Pilipinas. Hindi kasama sa excise tax on vehicles ang lahat ng pick-up trucks at pure electric vehicles. Ganun din, ang mga hybrid electric vehicles ay papatawan lamang ng 50% excise tax.

Ngunit, kelangang pagtuunan natin ng pansin ang mga luxury vehicles dahil interesting ang paggalaw ng presyo para sa mga sasakyang ito.

Honda Premium Cars

Honda premium cars
Source: https://www.autodeal.com.ph/articles/car-features/train- series-recap- ph-vehicle- prices-2018- part-1

Toyota Pick-up, Hybrid and Premium Cars

Toyota Pick-up, Hybrid and Premium cars
Source: https://www.autodeal.com.ph/articles/car-features/train- series-recap- ph-vehicle- prices-2018- part-1

Ang mga nabanggit na mga sasakyan ay mga ehemplo lamang. Marami pang mga luxury cars ng ibang car makers ang bumaba ang presyo.

Bakit malaki ang ibinaba ng halaga ng mga luxury vehicles sa TRAIN ni Duterte?

Tunghayan natin ang excise tax on vehicles BAGO ipatupad ang TRAIN ni Duterte:

luxury vehicles

Noon, kung ang base price ng luxury vehicle ay 2.5M, ang excise tax ay 512K + 0.6(400K) = 752K pesos.

Pero, sa TRAIN ni Duterte, ang excise tax ay 2.6M ay .2(2.6M) = 520K pesos.

May difference na 232K pesos. Ibig sabihin, mas bumaba pa ang babayaran na excise tax ng sasakyang nagkakahalaga ng 2.5M ngayong panahon ni Duterte.

Sino lang ba ang nakaka-afford na bumili ng mamahaling sasakyan? Hindi ba ang mayayaman lamang?

Akala ko ba eh pro-poor ang rehimeng Duterte? Bakit sa ilalim ng rehimeng Duterte ay mas favorable pa ang bagon excise tax on vehicles sa mga mayayaman?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *