Imperial Manila Tatanggalan ng Tax Perks

imperial manila

Seryoso ang rehimeng Duterte sa pagtataboy ng mga negosyante palabas ng Imperial Manila.

Tax perks pang-akit ng Pilipinas para lisanin ng mga negosyante ang Imperial Manila

Mawawalan na ng investment incentives ng ilang opisina, hotel, at casino sa Metro Manila sa susunod na limang taon dahil sa planong pagbabago sa corporate taxation ng Pilipinas.

Sa ilalim ng panibagong panukala, tatanggalin na ang mga tax perk at kailangang mag-apply muli ang mga negosyante para rito.

Ayon kay Department of Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua, hindi lahat ay mabibigyan ng tax incentives dahil mas prayoridad ang ilang industriya sa labas ng Manila.

RELATED: 140,000 ang Mawawalan ng Trabaho kapag Ipinilit ang TRAIN 2

Higit sa 500 ang special economic zones ng Pilipinas. Ayon kay Chua, masyado itong marami at ang ilan ay di naman kailangan.

Marami sa economic zones ay nasa Manila. Tatlong beses na mas malaki ng ekonomiya ng sentro ng Pilipinas kumpara sa ibang rehiyon.

Ayon kay Chua, hinihimok ng gobyerno ang investments sa labas ng Manila para mapasigla ang ekonomiya ng ibang probinsya.

Ipinapanukala ng gobyerno na bigyan ng karagdagang dalawang taon ang mga kumpanya na tumatamasa ng incentives para ilipat ang kanilang mga negosyo sa labas ng Manila.

Ginagamit ni Duterte ang taxation para masolusyunan ang overcrowding sa Manila at mai-distribute ang kayamanan sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Noong Hunyo, sinuspinde na ang pagtatatag ng mga panibagong economic zones sa Manila. Ganun din, ikinakampanya ni Duterte ang pederalismo kahit na maraming katanungan sa pagpapatupad nito dahil masyado itong magastos.

Inaasahan ni Chua na maipapasa ang nasabing batas bago matapos ang 2019 dahil suportado ito ng Pangulo. Ayon sa datos, 441B piso kada taon ang nawawalang kita ng bansa dahil sa tax perks.

Ayon naman kay Leechiu Property Consultants CEO David Leechiu, posibleng di sapat ang insentibo para mahimok ang mga kumpanya sa Metro Manila na ilipat ang operasyon sa ibang lugar dahil na rin sa kakulangan ng skilled workers sa mga probinsya.

Payag naman ang mga kumpanya na mag-expand sa ilang urban areas sa Cebu at Pampanga ngunit kailangan din ng panahon para sa training ng labor pool doon.

Hindi naman agad agad na makukumbinse ang mga kumpanya na lumipat sa ibang lugar sa bansa dahil lamang sa tax perks dahil sa may problema rin naman sa skilled workers sa ibang probinsya.

Sa ngayon, 5% buwis na nkabatay sa gross income earned ang ibinabayad ng mga kumpanya na nasa economic zones ng Pilipinas. Pang-habambuhay ang tax perk na ito.

Kasama sa panukalang reporma sa pagbubuwis ang unti-unting pagpapababa ng corporate income tax rate sa 20% mula sa 30% sa loob ng 10 taon.

RELATED: Higit sa US$1B Investments ang Nawala sa Pilipinas Dahil sa TRAIN 2

Prayoridad ang mga industriya sa auto and aerospace parts, agribusiness, chemicals, business process outsourcing, electronics, chemicals, shipbuilding, furniture and garments, at transport and logistics sa nasabing panukalang batas.

Ayan na naman. Ipinipilit na naman nila ang TRAIN 2. Negatibo na nga ang paglago ng investments dahil dyan pero matigas pa rin ang ulo ng rehimeng Duterte.

 

Source:

Jiao, C. (2019, August 17). Philippines Dangles Tax Perks to Drive Businesses Out of Manila. Retrieved from Bloomberg: Philippines Dangles Tax Perks to Drive Businesses Out of Manila