IBON: ANTI-POOR ANG BAGONG SIN TAX REFORM BILL

Nagtaas ng buwis sa sigarilyo. Ang pobreng si Juan de la Cruz naman ang magpapasan ng bagong buwis sa Sin Tax Reform Bill. Anti-poor ito, sabi ng IBON.

IBON: Mas Makakabuting Taasan ang Buwis ng mga Mayayaman kesa Ipasa ang Sin Tax Reform Bill

Ayon sa research group na IBON, ang pagpasa ng Sin Tax Reform Bill ay mas ginawa lamang na regressive ang tax system sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagtataas ng consumer taxes na magpapahirap lalo sa mga mahihirap samantalang binabawasan naman ang income at corporate taxes na syang magpapayaman lalo sa mga mayayaman.

Kamakailan, ipinasa na ng Senado ang Sin Tax Reform Bill na nagpapataw ng 45 pesos na karagdagang buwis sa bawat pakete ng sigarilyo sa 2020. 5 piso ang idadagdag na buwis sa kada taon hanggang maging 60 pesos kada pakete ang tax sa 2023. Pagkatapos, 5% increase sa tax bawat taon simula sa 2024.

Ayon sa IBON, nagsasamantala ang gobyerno sa paggamit ng mga mahihirap na Pilipino ng sigarilyo para magkaroon ng pera samantala kayang kaya naman ng mga mayayaman ang ganitong kalaking buwis.

Ayon sa pinakahuling Family Income and Expenditure Survey (FIES), mas malaking porsyento ng kita ng mga mahihirap ang ginagastos sa sigarilyo.

RELATED: Bakit Masama ang Loob ng Mga Magsasaka sa Pagtaas Muli ng Sin Tax?

Matatandaang sa pagtataas ng consumer taxes sa petrolyo at sigarilyo noong ipinasa ang TRAIN 1 at pagpapababa ng personal income tax, ang mga mga pinakamayamang 1% ng pamilyang Pilipino na may kita na higit sa 1.5M pesos kada taon ay nagkaroon ng karagdagang 100,000 hanggang 300,000 na perang panggastos sa pansariling pangangailangan. Mas lalaki pa ito kapag binabaan pa ang income tax sa 2023.

Ganun din, mas bumaba ang estate at donor taxes. 17.2M na mahihirap na Pilipino ang di naman nakatanggap ng benepisyo sa pagbaba ng personal income tax. Bagkus, mas lumaki pa ang gastos nila dahil sa mas mataas na consumer taxes.

Ayon din sa IBON, gagamitin ng rehimeng Duterte ang kita mula sa sin taxes para sa kakulangang 62B pesos na kailangan para sa Universal Health Care Law. Ngunit, ang batas na ito ay magpopondo lamang sa pagsasapribado ng healthcare sa bansa.

Ang pondo ng gobyerno ay magiging supplementary coverage ng mga pribadong health insurance at Health Maintenance Organizations (HMOs). Papaboran din nito ang network-based licensing, akreditasyon ng health facilities, at contracting.

Mapipigilan Kaya ng Mas Mataas na Buwis ang mga Nagsisigarilyo?

Mahirap para sa isang Pilipino ang tumigil sa paninigarilyo kahit na itaas pa ang buwis dito. Habit na kasi ito, lalong lalo na kung ang isang tao ay 45 years nang gumagamit nito.

Posibleng bawasan lamang ang paggamit ng sigarilyo dahil sa tataas ang presyo nito. Ngunit, malabong mapigilan talaga ang bisyo.

Naghihintay na lamang ng pirma ni Duterte ang batas na nagpapataw ng 45 pesos na buwis kada pakete ng sigarilyo simula sa January 1, 2020. Hanggang 2023, aabot ng 60 pesos kada pakete ang buwis ng sigarilyo. Pagkatapos, magtataas kada taon ng 5% ang buwis.

Inaasahan ng gobyerno na makakakolekta ito ng 15B pesos sa 2020. Kalahati ng malilikom ay para sa pondo ng universal health care.

Alam naman ng Southeast Asia Tobacco Control Alliance na hindi naman matitigil ang mga Pilipino sa paninigarilyo kahit na itaas pa ang buwis. Ngunit, posible naman talagang tumigil ang mga ito.

Ngunit, posibleng gumamit din sila ng electronic cigarettes o vape. Sa bersyon ng Senado, ginamit din nito ang 10 pesos na buwis kada 10 ml na likidong gamit sa e-cigarettes na nasa bersyon ng House of Representatives.

Ngunit, wala naman itong masyadong epekto kung ang layunin ay patigilin sa paninigarilyo ang mga Pilipino.

Masalimuot na usapin ang paninigarilyo. Nakakapinsala ng katawan ng naninigarilyo. Bukod pa dun, malaking pinsala rin ito sa mga mga taong di naman naninigarilyo pero apektado sa secondhand smoke.

Para kay Patolang Pilipina, kahit na anti-poor pa ang bagong sin tax, mas nararapat ito para mabawasan ang pinsalang dulot ng paninigarilyo.

Source:

IBON. (2019, June 7). Research group IBON said that the passing of the Sin Tax Reform Bill made the country’s tax system more regressive by increasing consumer taxes that burden the poor while cutting income tax and corporate tax that make the rich even richer. Retrieved from IBON Foundation: Research group IBON said that the passing of the Sin Tax Reform Bill made the country’s tax system more regressive by increasing consumer taxes that burden the poor while cutting income tax and corporate tax that make the rich even richer

Yee, J. (2019, June 6). Higher tax on tobacco? Smokers seem undaunted. Retrieved from Inquirer: Higher tax on tobacco? Smokers seem undaunted