CHINESE WORKERS SA POGO PAGBABAYARIN NG 2B PISO BUWIS KADA BUWAN

Sisingilan na ng buwis ang mga Chinese workers na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs). Inaasahang 2B piso kada buwan ang makokolekta.

2B piso kada buwan inaasahang makokolektang buwis mua sa mga Chinese workers

Ibinalita ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III na pumayag ang mga offshore gaming operators na patawan ng buwis ang mga nagtatrabaho sa kanila.

Inaasahang 2B piso ang makukubra ng gobyerno kada buwan bilang withholding taxes ng mga Chinese workers sa POGOs o Philippine offshore gaming operations.

RELATED: Sa Usapin ng Illegal Chinese Workers, Kanino Pumanig si Duterte?

Sa ngayon, humigit kumulang 130,000 Chinese ang nagtatrabaho sa mga POGO sa 50 lisensyadong kumpanya sa buong bansa.

Kailangan ding sumunod ang mga kumpanyang ito sa pagbabayad ng SSS o Social Security System contributions at PAG-IBIG Fund.

Sinisimulan na ng Bureau of Internal Revenue o BIR ang pangongolekta ng nasabing buwis.

Ayon sa mga estimates, ang isang POGO worker ay tumatanggap ng sweldo mula 40,000 hanggang 50,000 piso buwan buwan.

Ngunit, may humigit-kumulang 30 POGOs ang ilegal na nakakapag-operate sa bansa. Kung gagawin itong legal, mas marami ang makukubra ng gobyerno na buwis.

RELATED: ANO ANG NAPALA NG PILIPINAS SA PAGDAMI NG MGA INTSIK?

Hinahanapan na rin ng solusyon ang mga problemang kultural na umusbong dahil sa pagdami ng mga Chinese worker sa bansa.

Halimbawa, isang POGO company ang ginagawang isang komunidad ang dating resort sa Cavite. Ibig sabihin, hindi na kailangang lumabas pa ng mga Chinese workers dahil dun na rin ang kanilang tirahan at lugar para sa rest and recreation.

Pinapababaw ng rehimeng Duterte ang usapin. Hindi pagbubuwis ang isyu ng sambayanan. Ang isyu pumapasok ang sandamakmak na Chinese workers sa bansa at ninanakaw ang mga trabahong dapat sana ay para sa mga Pilipino.

 

Source:

Gonzales, I. (2019, July 8). POGO workers to pay P2-billion withholding taxes monthly. Retrieved from The Philippine Star: POGO workers to pay P2-billion withholding taxes monthly