Bam Aquino: Agarang Rebisahin ang TRAIN LAW

Bam Aquino: Agarang Rebisahin ang TRAIN LAW

Kung pahirap na sa taumbayan ang TRAIN, hindi ba dapat suriin muli ang batas?

Resolution ni Senator Bam para Agarang Marebyu ang TRAIN LAW

Nagsumite ng Senate Resolution 704 si Sen Aquino para magkaroon ng pagsusuri sa epekto ng TRAIN sa inflation at sa ekonomiya. Hinimok ni Sen Bam ang kanyang mga kasamahan sa Senado na suriin ang TRAIN Law dahil sa pagtaas ng inflation rate sa 4.3% noong Marso.

Binigyan ng diin ng Senador ang pagrerebisa sa tax reform program dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil sa pagtataas ng excise tax sa fuel.

Ayon sa Senador, “It is our duty to ensure all reforms benefit our countrymen and do not make life more difficult for Filipino families.”

Matatandaang hindi bumoto si Senator Bam para iratipika ang TRAIN Law. Dagdag pa ng Senador, “Kailangan suriin muli ang TRAIN. Maging bukas tayo sa pagsuspindi sa excise tax kapag nakitang nakasasama na ito sa kabuhayan ng mga Pilipino.”

Nasaan ang Tulong Pinansyal ng Gobyerno?

Dahil sa ramdam na ang epekto ng TRAIN at ang pagtaas ng presyo ng bigas, pati na rin ang kakulangan ng NFA rice sa merkado, hiniling ni Sen Bam Aquino na agarang ipatupad ang cash transfer program para sa mahihirap na Pilipino.

Ayon kay Sen Bam, “Tumataas na ang presyo ng mga bilihin dahil sa tax reform, na sinabayan pa ng pagkawala ng NFA Rice sa merkado. Nasaan na ang financial assistance para sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino?”

Dagdag pa ng Senador,  “Masyado nang mabigat ang pasaning dala ng ating mga kababayan dahil sa pagtaas ng presyo ng bilihin. Panahon na upang madaliin ng pamahalaan ang paglabas ng tulong para sa sampung milyong mahihirap nating kababayan.”

Ayon sa probisyon ng TRAIN Law, bibigyan ng 200 pesos na ayuda ang 10 milyong mahihirap na Pilipino kada buwan sa 2018. Sa 2019 at 2020, ang ayuda ay magiging 300 pesos kada buwan.

Sa Senado, ipinilit ni Sen Bam ang agarang implementasyon ng financial assistace sa mga mahihirap para matulungan sila sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ngunit, hindi napagbigyan ang kanyang panukala. Kaya, hindi sya bumoto pabor sa pagratipika ng TRAIN LAW.

Nag-file ng Senate Resolution 597 ang Senador para madaliin ang pagsusuri ng implementasyon ng unconditional cash transfer para masiguradong sapat ito para sa pagtataas ng mga presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Maraming beses ko nang naisulat ang TRAIN Law. Maraming beses ko na ring binigyang diin na ang TRAIN ni Duterte ay pumapatay sa gutom sa mga mahihirap.

Sa ngayon, nagdiriwang pa ang mga may hanapbuhay na hindi na kelangang magbayad ng income tax. Ang feeling nila, hulog ng langit ang ilang libong piso na naiuuwi nila bilang take-home pay. Lingid sa kanilang kaalaman, inuubos lamang ito ng pagtaas ng presyo. Hindi nila masyadong napapansin yan sapagkat tuwang tuwa pa sila sa nahahawakan nilang additional na cash tuwing sweldo.

Ngunit, ang masaklap dito, ung mga nasa laylayang ng lipunan, ung mga walang regular na trabaho, apektado rin naman sila sa pagtatas ng presyo ng mga bilihin. Walang dagdag na benepisyo sa kanila ang tax exemption dahil wala naman silang regular income. Ngunit, dagdag na pahirap sa kanila ang pagtataas ng presyo dulot ng TRAIN ni Duterte.

Kung walang tulong pinansyal mula sa gobyerno, makakabuti ngang suriin muli ang TRAIN Law.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *