Bakit Masama ang Loob ng Mga Magsasaka sa Pagtaas Muli ng Sin Tax?

Bakit Masama ang Loob ng Mga Magsasaka sa Pagtaas Muli ng Sin Tax?

Sobrang dismayado sila, pramis!

Mga Magsasaka Nalulungkot sa Panibagong SIN Tax

Ginawang “urgent” ni Duterte ang panukalang pagtataas muli ng excise tax sa mga produktong alcohol at tabako.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sinusuportahan ni Duterte ang panukala ni Senator Manny Pacquiao na doblehin ang buwis sa sigarilyo, mula 30 pesos hanggang 60 pesos at gawing 9% ang pagtaas nito kada taon imbes na 4%.

Dismayado ang PhilTobacco Growers Association Inc. dahil naaprubahan ang panibagong excise tax. Ayon sa grupo, bababa ang produksyon ng tabako at maraming magsasaka ang apektado.

Ayon sa panukalang batas, itataas ang buwis sa tabako sa 60 pesos kada pakete. Samantala, 40 pesos kada litro naman ang buwis sa alak.

Kapag naging batas ito, maaamyendahan ang SIN tax rate na nakapaloob sa TRAIN law.

Para Healthy ang mga Pilipino

Ayon sa mga may akda ng batas, ang anumang perang malilikom mula sa koleksyon sa SIN tax ay gagamitin para pondohan ang Universal Health Care Act.

Ganun din, ayon kay Panelo, ang mga ganitong batas ang inaasahang makakapagpatigil sa mga Pilipino na uminom ng alak at manigarilyo.

Dismayado ang mga Magsasaka

Nalulungkot ang mga magsasaka sa mga susunod na excise tax sa tabako. Ayon kay PTGA President Saturnino Distor, nakakabahala na kinunsidera ng gobyerno ang panibagong pagtaas ng SIN tax sa tabako.

Sa loob ng limang taon, pitong beses na nagtaas ang buwis sa sigarilyo. Dahil dito, naapektuhan na ang produksyon ng tabako. Ganun din, maraming magsasaka na ang nawalan ng ikabubuhay.

Dahil sa pagtataas ng buwis, mas dumagsa ang smuggled cigarettes sa bansa. Karamihan ay galing sa China na di naman gumagamit ng tabako na galing sa Pilipinas.

Ayon sa datos ng National Tobacco Administration, bumagsak na sa 48M kilo ang produksyon ng tabako noong 2017. Noong 2013, ang naitalang produksyon ay 68M kilos.

Bilyong piso rin naman ang naidadagdag ng industriya ng tabako sa kaban ng bayan. Noong 2017, 126B pesos ang nakolekta ng BIR.

Dahil sa pagtaas ng presyo ng sigarilyo, hindi na kinakaya pa ng mga pamilya ng magsasaka ang mga pang-araw araw na gastusin.

Nakalimutan na ni Duterte ang pangako nya sa mga ordinaryong Pilipinong bumoto sa kanya. Imbes na pagandahin ang buhay nila, tuluyan na silang naghihirap.

 

 

Source:

Nicolas, B. D., & Arcalas, J. Y. (2019, January 9). Farmers upset as new excise tax hike on ‘sin’ items looms.

Retrieved from Business Mirror: https://businessmirror.com.ph/farmers-upset-as-new-excise-tax-hike-on-sin-items-looms/