Ano ang Agam-agam ng Isang BPO Company Owner sa Napipintong TRAIN v2.0?

Ano ang Agam-agam ng Isang BPO Company Owner sa Napipintong TRAIN v2.0?

Akala nyo siguro un lang ang TRAIN ni Duterte ‘no?! Meron pa! Mga kumpanya naman ang sasagasaan.

TRAIN v2.0 Naman!

 

Matapos ang pagpapatupad ng TRAIN ni Duterte na sumagasa sa mga ordinaryong Pilipino dahil sa nagtaasan ang presyo ng mga bilihin, itinutulak naman ng Department of Finance ang mabilis na pagsasabatas ng ikalawang yugto ng TRAIN ni Duterte para masiguradong stable ang pinansyal na katayuan ng gobyerno.

Ayon kay DOF Secretary Carlos Dominguez III, “Package 1B is crucial to keep the three percent of GDP deficit target.”

Inaasahang magsasampa ng additional 38.9B pesos ang pangalawang yugto ng TRAIN. Ang TRAIN v2.0 ni Duterte ay daan para amyendahan ang bank secrecy law, pagbabago sa Motor Vehicle Users Charge, at amnesty program sa estate tax.

Ayon kay Dominguez, “We will need to pass packages 2 to 5. No succeeding packages means either a bridge of this deficit which will hurt our economy or a cut in government spending, possibly compromising the President’s infrastructure program. If Congress does not pass sufficient tax reform, either the deficit will be breached or spending needs to be cut.”

Makakaengganyo daw ng mga Bagong Industriya ang TRAIN v2.0

 

Ayon kay DOF Secretary Carlos Dominguez III, ang pangalang yugto ng tax reform sa ilalim ng rehimeng Duterte ay naglalayong gawing modernisado ang mga incentives na ibinigay sa mga namumuhunan. Ibig ng rehimeng ito na ma-engganyo ang mga bago at umuusbong na industriya na mamuhunan sa bansa.

Parte ng plano ng TRAIN v2.0 ang pagpapababa ng corporate income tax mula 30% patungong 25%.

Ayon kay Dominguez, “The world is changing and there are many new industries that are developing such as robotics, data analytics and artificial intelligence or machine intelligence. We want to modernize it and attract the industries that are going to be growing. We don’t want to be stuck in industries that are sunset industries.”

Kailangan daw na ang mga incentives ay performance-based, time-bound, targeted, at transparent. Ibig sabihin, kung gusto ng isang kumpanya ng mga incentives dahil magbibigay sila ng 1,000 trabaho sa mga Pilipino, kailangan munang matupad ang 1,000 jobs na ipinangako.

Bakit Tinututulan ng BPO Industry ang TRAIN v2.0?

 

Kapag naipasa ang TRAIN v2.0, ang mga kasalukuyang BPO companies, kasama ang iba pang nag-eenjoy ng 5% Gross Income Earned incentives, ay mapipilitang magbayad ng 25% income tax.
Ito ay hindi makakabuti sa BPO industry dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:

Una, kahit na may 3-year transition period, maaapektuhan pa rin ang BPO industry. Nagkakaproblema na nga ang industrya dahil sa limitasyon sa supply ng skilled workers at ang pagpapalaganap ng Artificial Intelligence na pumapalit sa mga BPO jobs, magbabayad pa sila ng mataas na income tax.

Dahil sa paglaganap ng AI, kailangan ng mga BPO companies na iangat ang kasanayan ng kanilang mga workers para makayanan ang anumang threats na dulot ng Artificial intelligence. Kailangang mag-shift ang BPO companies sa mga knowledge-based jobs.

Ganun din, ang mga BPO companies ay kelangang makasunod sa iba’t ibang rules ng gobyerno, gaya ng pagbabayad ng mas mataas na SSS contributions at pagkakaroon ng napakaraming holidays.

Pangalawa, maaapektuhan ang pinansyal na katayuan ng mga BPO companies. Madali lamang ang taxation sa ilalim ng 5% Gross Income Earned. Kung mapipilitan silang mag-shift sa net income system, magiging biktima ang mga BPO companies ng harassment at mali-maling interpretasyon ng tax laws ng BIR. Tataas ang transaction and accounting costs.

Pangatlo, ang pagpapatupad ng TRAIN v2.0 ay magtutulak sa mga BPO companies na lokohin ang gobyerno o lumipat sa ibang bansa. Madali lamang sa mga BPO companies ang maglipat ng job orders dahil sa marami sa kanila ay may mga branches sa ibang bansa.

Ganun din, posibleng mag-under invoice ng kanilang mga sales ang mga BPOs. Pwede nilang padaanin ang mga job orders sa ibang kumpanya na nasa ibang bansa. Madali lamang ito para sa maraming BPO companies dahil karamihan sa kanila ay gumagamit ng Internet.

Mahirap din para sa gobyerno ang mag-monitor ng BPO services. Ang assumption ng rehimeng Duterte ay efficient at competent ang BIR, at sumusunod sa batas ang maraming BPOs.

Ang BPO industry ay importante sa Pilipinas dahil ito ang nakakapagbigay ng maraming trabaho sa mga Pilipino. Ganun din, ito rin ang pinakamalaking industriya na nagpapasok ng foreign income, maliban sa mga OFW workers.

Masyadong malaki ang difference sa ibabayad nilang tax pag naipasa ang TRAIN v2.0. Dati, 5% Gross Income Earned lamang ang binabayad nila. Pero, sa TRAIN v2.0, magiging 25% net income tax na.

Dahil dito, mapipilitan ang mga BPO companies na wag ng palaguin ang industriya o lumipat na lamang sa ibang bansa. Kung mangyayari ito, Pilipinas at mga Pilipino pa rin ang apektado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *