Bakit Naka-zipper ang Bibig ni Cayetano sa Isyu ng Chinese Bombers sa WPS?

Bakit Naka-zipper ang Bibig ni Cayetano sa Isyu ng Chinese Bombers sa WPS?

Sobrang talakathon ni Cayetano noon pero pagdating sa China, nabusalan? DFA Secretary na ‘to ng China eh.

Bulag, Pipi, at Bingi si Alan Peter Cayetano

Nananatiling tikom ang bibig ng Department of Foreign Affairs tungkol sa pagdating ng mga Chinese bombers sa isang isla sa WPS.

Nakakapagtakang nakapag-isyu ang ahensya ng gobyerno ng press releases tungkol sa Texas school shooting at pati na rin sa meeting sa Hawaii ng mga opisyales ng Pilipinas at si retiring US Pacific Command chief Admiral Harry Harris Jr. Ngunit, wala ni anumang pahayag tungkol sa Chinese bombers.

Habang nananahimik ang DFA sa isyu, tinuligsa naman ito ng mga senador na nasa oposisyon.

Sa isang pahayag ni Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon, “We must condemn this creeping invasion of our territory and sovereignty.”

Ayon naman kay Senator Risa Hontiveros,

“By placing our country within striking distance of its nuclear-capable bombers, China has virtually threatened us with nuclear war over the West Philippine Sea.”

Dagdag pa ni Senator Risa, “This is unacceptable. This is a serious threat to the lives of our citizens, an assault on our Constitution and a direct violation of internationally recognized treaties to which we are a signatory.”

Ang hamon ni Hontiveros, “I challenge President Duterte and his foreign affairs officials to end their subservience to China and muster the necessary political courage to stand up to protect our national sovereignty and the lives of our citizens.”

Ayon kay DFA Secretary Cayetano, hindi na raw stratehiya ng Pilipinas ang maghain ng diplomatic protest laban sa China sa lahat ng pagkakataon.

Ano na ang aasahan ng bawat Pilipino sa rehimeng tuluyang nakahimod sa pwet ni Xi Jinping?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *