Yasay to Locsin: Misinformed Ka, Uy!

Yasay to Locsin: Misinformed Ka, Uy!

Walang ninakaw na datos ang dating contractor.

Yasay: Walang Nanakaw na Datos. Misinformed Lang si Locsin

Ayon kay dating DFA Secretary Perfecto Yasay, pwedeng misinformed si DFA Secretary Teddy Boy Locsin sa issue ng data breach sa passport.

Walang ninakaw na datos ang dating contractor. Imposibleng kunin ng dating contractor, Francois-Charles Oberthur Fiduciare, ang mga datos.

Ipinaliwanag ni Yasay na noong ibigay ng DFA ang produksyon ng passport sa APO Production Unit Inc. ay ginawa nitong subcontractor ang United Graphic Expression Corporation (UGEC).

Nag-withdraw lamang ang Oberthur dahil tapos na ang kontrata nito dahil tumutulong lamang ito nang libre para pamahalaan ang operating system. Tapos na ang kontrata ng Oberthur.

Mali ang paratang na ninakaw ng Oberthur ang datos.

Posibleng maling impormasyon ang ibinibigay kay Locsin ng ilang opisyal ng DFA para pagtakpan ang tunay na isyu tungkol sa passport.

Posibleng itinuturo ang Oberthur para pagtakpan ang paglabag sa batas ng DFA. Ang tunay na isyu ay ang pag-award ng produksyon ng passport sa APO nang walang bidding at ang pag-subcontract ng operasyon nito sa UGEC.

Ayon kay Yasay, nang malipat ang produksyon ng passport sa APO at UGEC, ang datos ay nalipat rin sa isang lugar sa Lipa, Batangas.

Posibleng di ma-access ng DFA ang datos dahil iba ang system ng UGEC at APO. May sariling sistema ang Oberthur kaya di mailipat ng UGEC ang datos sa kanilang sistema.

Walang kakayahang teknolohikal ang UGEC para mailipat ang datos. Malisyoso, salungat sa katwiran, at mali ang sabihang ninakaw ng dating contractor ang datos.

Nabigyang linaw ni Yasay ang problema, kung tama nga sya. Medyo hysterical lang ‘tong si Locsin talaga, promise.

 

 

Source:

Galvez, D. (2019, January 14). Yasay: No data stolen; Locsin ‘misinformed’ about passport data breach.

Retrieved from Inquirer: https://newsinfo.inquirer.net/1072740/yasay-no-data-stolen-locsin-misinformed-about-passport-data-breach

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *