WAR ON DRUGS VICTIMS BINAGO ANG BILANG!

Pabago-bago ang bilang ng war on drugs victims. Ang daming palusot.com ng rehimeng Duterte!

Binagong bilang ng war on drugs victims mas konti ng isang libo

Nasa 5,526 katao na ang biktima ng war on drugs ni Duterte mula sa 134,583 operasyon ng pulis kontra droga. Ito ay mas konti ng isang libo sa nagdaang bilang na iniulat ng Philippine National Police (PNP).

Matatandaang iniulat ng PNP na higit sa 6,600 katao ang napatay sa mga operasyon ng pulis mula July 1, 2016 hanggang May 31, 2019.

Ganun din, ipinakita sa huling ulat ng Real Numbers PH na 193,086 katao ang nahuli sa unang tatlong taon ng pamamahala ni Duterte.

Pero, 240,565 katao ang iniulat ng PNP noong isang buwan.

RELATED: DUTERTE AMINADONG MAHIHIRAP LAMANG ANG NAPATAY SA KANYANG DRUG WAR

Ang bagong datos ay inilabas ng gobyerno matapos tanggapin ng UN Human Rights Council ang resolusyon na nananawagan ng isang komprehensibong ulat sa kalagayan ng karapatang pantao sa bansa, kasama na ang mga napatay sa war on drugs.

Bakit nagbago ang bilang ng biktima sa war on drugs?

Ayon sa mga opisyal ng gobyerno, ang opisyal at tamang datos ay ang galing sa Real Numbers PH.

Ipinaliwanang nila na dumadaan sa beripikasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga bilang ng biktima bago ilabas sa Real Numbers.

Real time naman ang datos na galing sa PNP samantalang kailangan ng panahon ng PDEA para malaman kung tunay na sangkot sa droga ang mga biktima.

Pero, ang bilang na galing sa PNP at sa Real Numbers ay di hamak na mas mababa sa mga estimate ng mga human rights watchdog. Base sa accomplishment report noong 2017, may 16,000 “homicide cases under investigations” simula ng manungkulan si Durterte.

Tinanggal na ang drug-related homicides sa mga sumunod na ulat. Patuloy din naman ang pagsasabi ng gobyerno na sinusunod nila ang due process.

Pananagutan kontra istatistika

Ayon kay Human Rights Watch Philippine researcher Carlos Conde, mas importante ang pananagutan kesa sa paiba-ibang bilang ng gobyerno.

Dahil sa pagmamanipula ng Real Numbers PH, nawawalan na ng importansya ang totoong bilang ng mga biktima. Kailangang papanagutin ang mga salarin sa pagpatay sa mga Pilipino.

Noong isang buwan, sinabi ni UN Human Rights Chief Michelle Bachelet na dapat ikabahala ng lahat ng bansa ang opisyal na datos ng war on drugs victims.

RELATED: ANO ANG DAPAT ASAHAN SA REBYU NG UN SA WAR ON DRUGS?

Ayon kay Conde, mas importanteng subaybayan kung ilan sa mga salarin ang naparusahan na.

Wala naman na dapat pagtalunan kung gaano karahas ang drug war. Maliwanag ang mga dokumento tungkol sa paglabag sa batas at sa due process.

Kaya, kahit na 10 o 10,000 ang biktima, malinaw na dapat papanagutin ang gobyerno.

Noong November 2018, tatlong pulis sa Caloocan ang naparusahan ng deka-dekadang pagkakulong matapos silang mapatunayang nagkasala sa pagpatay kay Kian delos Santos na noon ay 17 taong gulang. Ito ang unang kaso ng pagpaparusa sa mga pulis sa laban kontra droga.

Kahit bawasan pa ng rehimeng Duterte ang bilang ng biktima sa drug war, one death too many. Kailangang papanagutin ang mga salarin!

 

Source:

Cabico, G. (2019, July 19). Revised drug war death toll is thousand less than previous figure. Retrieved from The Philippine Star: Revised drug war death toll is thousand less than previous figure