United Nations of Asia ba kamo, Speaker Alvarez?

Akala yata ni Bebot Alvarez, ung UN eh tuwing October lang kung kelan nagpaparada na suot ang costumes ng iba’t ibang bansa. Pag ganun, wala ngang silbi ang UN.

Ayon sa interbyu ni Anthony Taberna kay Alvarez, dapat daw buwagin na ang United Nations dahil bumabagsak na ang ekonomiya ng mga Western Nations at umaasa na lamang sa ekonomiya ng Asya. Sa halip, sumali na lang daw ang Pilipinas sa “United Nations of Asia” na syang magpoprotekta sa interes ng rehiyon.

Ano ang mga Nagawa ng United Nations sa Pilipinas?

Hindi yata na-inform si Speaker. Baka tulog sa pansitan habang tumatakbo ang mga proyekto ng UN sa ating bansa.

Actually, pareho sila ni Duterte na mainit ang dugo sa UN. Palibhasa, very vocal ang UN sa extrajudicial killings (EJK) sa bansa. Kung matatandaan ninyo, hinahamon pa nga ni Digong si UN special rapporteur on summary executions Agnes Callamard para sa isang debate. Noon pa man, sinasabi na ni Digong na pag-iisipan nya kung aalis ang Pilipinas sa UN.

Mahiya naman ‘tong sina B1 at B2 kay Carlos P. Romulo na naging kauna-unahang Presidente ng UN na galing sa Asya. Ganun din, at least 700 na Filipino ang nagtatrabaho sa UN.

Nagpalabas na ng listahan ang Rappler noong 2016 ng mga nagawa ng UN sa bansa. Hindi kasi mahilig magbasa sina B1 at B2. Malamang si Mocha Uson ang binabasa nitong dalawang ‘to. Tsk!

Food Security

Ang mga ahensya ng UN, gaya ng World Food Programme at Food and Agricultural Organization ay tumutulong sa atin para solusyunan ang problema sa kagutuman ng ating mga mahihirap na kapatid sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ang World Food Programme ay nakikipagtulungan sa Food and Nutrition Research Institute para resolbahin ang problema ng malnutrisyon sa bansa. Ang Food and Agricultural Organization naman ay tumutulong para mapaunlad ang buhay ng ating mga magsasaka.

Climate Change and Disaster Risk Reduction

Ang United Nations Development Programme, kasama ang gobyerno ng Australia, ay nagkaloob ng 172 million pesos para maisayos at mapagbuti ang disaster risk reduction and management sa pamamagitan ng programang Resilience and Preparedness Towards Inclusiveness Development (RAPID) sa mga lugar na madalas masalanta ng bagyo.

Disaster Response and Recovery

Noong Yolanda, pinakamalaki ang kontribusyon ng UN sa Pilipinas. Maraming mga bansa ang nagpadala ng tulong sa UN Strategic Response Plan para gamiting pondo sa pagtulong sa atin. Ayon sa UN Office for the Coordination of Humanitarian Affairs, 21.8 billion pesos ang naibigay ng UN sa Pilipinas. Ang perang ito ay nagpondo ng iba’t ibang proyekto sa mga nasalanta ng Yolanda tulad ng rehabilitation at livelihood programs.

Health

Ang Pilipinas ay isa sa mga nabiyayaan ng The Global Fund para sa pag-iwas at paggamot sa mga sakit tulad ng malaria, tuberculosis, at HIV/AIDS. Sinasabing 13.4 billion pesos na ang nagagastos ng nasabing proyekto sa Pilipinas noong August 2016.

Ang United Nations Children’s Emergency Fund (UNICEF) naman ay malaki na ang naitulong sa mga sanggol at ina. Tumulong ito na maparami ang mga health facilities na accredited ng Philhealth. Ganun din, tumulong itong magtayo ng mga birthing facilities o paanakan sa mga barangay lalong lalo na sa Eastern Samar at Sarangani. Ang UNICEF din ang kaagapay ng Department of Health (DOH) sa vaccination programs sa Mindanao at Cordillera para maiwasan ang tetano sa mga nanay at sanggol.

Education

Sinusuportahan ng UNICEF ang proyekto ng Pilipinas gaya ng Early Childhood Care and Development (ECCD) sa Manila, Maguindanao, Davao City, Sarangani, North Cotabato, Northern Samar, Eastern Samar, Masbate, at Mountain Province.

Peace and Security

Natulungan ang Pilipinas ng mga polisiya ng UN, gaya ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) para mabigyan ang bansa ng exlusive rights sa West Philippine Sea.

Wag naman ding magbitaw ang mga opisyales ng gobyerno ni Duterte ng mga pangungusap na walang basehan. Malaki na ang naitulong ng UN sa ating bansa. Sa mga tinuran ni Alvarez at maging ni Duterte, pagpapakalat sila ng mga maling impormasyon na wala namang basehan. Napapaniwala nila ang mga taong sumasampalataya sa lahat ng mga sinasabi nila. Nagiging zombies na ang Pilipino pag di na gumagamit ng isip.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *