Trending News Portal Banned Na Sa Facebook!

Trending News Portal Banned Na Sa Facebook!

Salamat, Facebook!

Trending News Portal Di na Pwede Mag-post sa Facebook

Inanunsyo ng Facebook na banned na ang Twinmark Media Enterprises sa social media platform nila dahil sa paglabag ng mga polisiya nito.

Ayon sa Facebook, ang Twinmark ay palaging lumalabag sa mga polisiya nito tungkol sa spam at misrepresentation. Kasama na rin dito ang paggamit ng mga pamamaraan gaya ng fake accounts, pagbebenta ng FB Pages, at pagkakaroon ng koordinadong pekeng pagkilos para lamang kumita ng pera.

Hindi pinapayagan ng Facebook ang mga ganitong uri ng kumpanya. Di rin papayagan na magkaroon pa ng panibagong presensya sa social media platform ito.

Kaya, tinanggal na ng FB ang 220 pages, 73 accounts, at 29 Instagram accounts ng nasabing kumpanya matapos ang masusing imbestigasyon.

Ano ang Trending News Portal?

Ang Trending News Portal ay isang website na nag-specialize sa viral stories. Marami sa mga istorya nito noong 2016 ay tungkol kay Duterte at mga kwestyonableng istorya tungkol sa mga kritiko nito.

Higit sa 500 posts ni Mocha Uson ay galing sa website na ito.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagtanggal ang Facebook ng mga pages na lumalabag sa mga polisiya nito. Noong Oktubre 2018, 95 FB pages at 35 accounts ang tinanggal nito na karamihan ay mga pro-Duterte pages.

Ang anumang gawaing masama ay may karampatang parusa. Di ka man maparusahan ngayon, sa kinabukasan sigurado un! Salamat, Facebook!

 

 

Source:

Rappler. (2019, January 11). Facebook bans PH company for spreading lies, fake accounts.

Retrieved from Rappler: https://www.rappler.com/technology/social-media/220741-facebook-remove-trending-news-portal-twinmark-media-enterprises

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *