The Miracle of Last Night

The Miracle of Last Night

Last night was wonderful.

I got a pm from an FB friend before the Holy Week, she said they are organizing a get-together of all pro-democracy, pro-justice, and pro-freedom groups.

Invite daw nila si “Patolang Pilipina”. Nahihiya akong mag-confirm kasi di ko naman sila kilala.

After ilang hours of thinking, nag-confirm na rin ako. Nakita ko ung initial list. Andun si PAB tsaka ung Presidente ng Millennials PH.

Wag na si PAB dahil daming kausap nun tiyak. Dun na lang ako sa Millennials PH tatambay. Ako naman ang “Titas of Manila” nila. Hahaha

Pagdating ko sa venue, sabi sa akin ni Atty. Falcis, “Bakit ung list na pinakita mo sa akin, konti lang. There are more than a hundred people in here!”

I said, “Kasi ung list na un ay mga taong nag-confirm when I was invited. Eh marami pang na-invite.”

May journalists. May artists. May Makabayan bloc. May soc-dem. May liberals. May mga lawyers. May bloggers. May mga nanay na biktima ng EJK ang anak.

Napagsama-sama na nina Vergel Santos ang mga taong ‘to. Take your cue na raw sa mga leaders. I hope to be part of more and bigger gatherings in the future.

There was joy in my heart. It was a great evening. Walang talumpati. Puro announcements lang ng mga events ng mga groups sa mga susunod sa araw. Pinky Amador and Audie Gemora sang.

Sabi ni Vergel kagabi, sya at ung wife nya pirma nang pirma sa mga signature campaigns ng iba’t ibang grupo. Kanya kanya raw ang bawat grupo. Bakit hindi pagsama-samahin ang mga grupong ‘to? Ang kalaban ng demokrasya ay one-track mind lang. Mahirap magapi ang kalaban ng demokrasya kung kanya kanya ang bawat grupo. Dapat nang magkaisa.

So, dun sa mga anti na tumutuligsa rin sa mga anti leaders. Abangers lang po. Hindi madaling pagsama-samahin ang mga grupo dahil iba iba ang kanilang mga prinsipyo.

Pero, kagabi, nagsimula silang pagsama-samahin. May kausap nga ako kagabi. Sabi nya, hindi mo mapagsasama-sama ang mga yan. Magkakaaway yan.

Pero, through the efforts of Vergel Santos and his other organizers, napagsama-sama ang mga grupo sa isang room nang hindi nagtatalo-talo.

That’s a miracle.

This slideshow requires JavaScript.

PS:

Photos were not mine. Credit goes to the real owners of these pics. Thank you.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *