Tama na ang Palusot.com, APC!

Tama na ang Palusot.com, APC!

May pending urgency daw pero nakalipad ng Kuwait si Mocha at nakatawag ng press? Juskelerd.

Sumunod daw sa Batas ang Pilipinas

Sa press conference ni DFA Secretary Alan Peter Cayetano sa Singapore, sinabi nyang ang pag-rescue sa OFWs sa Kuwait ay ginawa under lawful circumstances at nakipag-ugnayan daw sila sa awtoridad.

Ayon kay Cayetano, “We did not go into the houses, we did not take the law into our own hands.”

Dagdag pa nya, “Pag sinabing ire-rescue and, again, in coordination with the police, this involves verbal, physical or sexual abuse.”

Paliwanag pa ni Cayetano, “When we already have pictures na gulping-gulpi na. When we already have the actual threat. We cannot take too much time in negotiating, ‘di ba? We have to take action because we’re talking about a human life here.”

Ano ang Ibig Sabihin ni APC?

One, nakipag-coordinate sila sa Kuwaiti authorities.

Two, matagal ang pagpayag ng Kuwaiti authorities. Pansinin nyo na may sinasabi syang “We cannot take too much time in negotiating.” So, ibig sabihin matagal makipag-usap sa Kuwaiti authorities.

Three, at dahil sa matagal makipag-negotiate at nakakita sila ng pictures na gulping-gulpi na ung OFWs, naisipan nilang i-rescue na ang mga OFWs.

Ok na sana. Lusot na sana. Papanigan na sana ng mga Pilipino.

Pero, may ilang katanungan kasi ang maraming Pilipino:

One, bakit andun si Mocha sa Kuwait? Kung may pending urgency, paanong nakalipad pa ng Kuwait si Mocha? Ano ang ginagawa nya dun?

Two, bakit may presscon? May pending urgency, pero nakatawag pa ng presscon?

Three, sabi nga ni APC, “We have to take action because we’re talking about a human life here.” So, ibig sabihin, umaksyon sila nang wala pang pahintulot ng Kuwaiti authorities dahil may buhay na in danger. Ok naman un. Talagang dapat i-rescue dahil mahalaga ang buhay ng tao.

Pero, bakit may video? Bakit ipinalabas ang video? Bakit hindi nakatiis na i-hold muna ang release ng video hangga’t hindi pa naiuuwi ang mga na-rescue na OFWs?

Lutang na lutang ang incompetence ng mga tauhan ni Digong. Wag na kasing lumusot pa. Aminin na lang ang pagkakamali, humingi ng tawad, at tanggapin ang consequences.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *