SWS: Kumonti ang Nagtitiwala kay Duterte

SWS: Kumonti ang Nagtitiwala kay Duterte

Bumaba ng 10 puntos ang Net Trust Rating ni Duterte. Anyare?

Nagpalabas ang SWS ng Net Trust Rating ni Duterte para sa 1st Quarter 2018

Nagkaroon ng survey ang Social Weather Station noong March 23-27, 2018 para alamin ang trust rating ni Duterte. Ayon sa survey, 76% ang may “much trust”, 14% ang “undecided”, at 10% ang “little trust” kay Digong.

Ang net trust rating (much trust minus little trust) ay +65% o “very good”. Bumaba ng 10% ang net rating ng Pangulo kung ikukumpara sa survey noong December 2017, kung saan nakakuha si Digong ng +75% o excellent na trust rating. Ang +65% net trust rating ay mataas naman ng +5% kung ikukumpara sa net trust rating na nakuha ni Digong noong September 2017.

Source: SWS Website

 

Ano ang Dapat Maintindihan sa Survey na Ito ng SWS?

Source: SWS Website

Magkaiba ang tanong sa SWS survey ng trust rating at satisfaction rating ni Duterte. Ung trust rating ay sumasakop sa pagtitiwala sa personalidad ni Digong as a whole samantalang ung satisfaction rating ay sumusukat ng kanyang performance bilang Pangulo.

May correlation o pagkakaugnay ang trust rating at satisfaction rating ni Duterte. Mataas ang satisfaction rating na ibinigay kay Digong ng mga Pilipinong mataas ang tiwala sa kanya. Mababa ang satisfaction rating na ibinigay ng mga Pilipinong hindi nagtitiwala sa kanya.

Marami pa rin talaga ang nagtitiwala at nasisiyahan sa klase ng pamamahala ni Duterte. In short, marami pa rin ang TBGs talaga. Hindi ko alam kung kelan magigising ang mga yan.

Source: SWS Website

Kung ikukumpara ang resulta ng 1st Quarter 2018 survey results sa 4th Quarter 2017 results, mapapansing bumaba ang trust rating ni Duterte sa lahat ng lugar sa bansa.

Now, kung may kaugnayan ang satisfaction rating at ang trust rating gaya ng sinasabi sa naunang graph ng SWS, it may be safe to conclude na hindi satisfied ang mga Pilipino sa performance ni Duterte ngayong 1st Quarter kaya bumaba rin ang trust rating nya.

I would like to believe na dahil ito sa TRAIN LAW na syang nagpapahirap sa mga Pilipino. Nung 4th Quarter, nagsasaya ang marami dahil sa balitang hindi na sila magbabayad ng income tax at lalaki ang take-home pay nila. Dadami ang pera nila. Mas marami silang mabibili.

Ngunit, dahil sa implementasyon ng TRAIN ni Duterte ngayong 1st Quarter, natauhan na ang iba. Hopefully, mas marami pa ang matauhan.

Hindi pa nare-realize ng maraming Pilipino na may problema talaga ang rehimeng Duterte kaya hindi pa ganun ang impact sa trust rating ni Digong. Suot-suot pa rin ng marami ang kanilang rose-colored glasses. Saklap!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *