Status Symbol ang Kotse sa Pilipinas

status symbol

Masosolusyunan kaya ang Metro Manila traffic kung ang problema ay ang status symbol ng kotse sa bansa?

Pagkakaroon ng kotse, isang status symbol sa mga Pilipino

Marami kang magagawa kapag ikaw ay nagmamaneho ng sarili mong sasakyan. Pwede kang mag-text o kaya ay tumawag sa iyong telepono. Kung nakakakonek ka sa Internet, pwede kang magbasa at sumagot sa iyong email. Pwede ka ngang magbasa ng balita o kaya ay manood ng dog or cat videos sa YouTube.

RELATED: Bus Dispatch Scheme sa Edsa Isinusulong

Mas pipiliin nating gumawa ng ibang bagay kesa tumunganga sa Waze dahil sa sobrang trapik sa Metro Manila. Sa EDSA, 10 kilometers per hour ang itinatakbo ng mga sasakyan dahil sa masikip na daloy ng trapiko. Noong 2017, idineklara ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na may 7,500 sasakyan ang dumaraan sa EDSA kada oras sa isang direksyon. Ngunit, ang kapasidad lamang ng highway ay nasa 6,000 sasakyan kada oras.

Noong Mayo, ayon sa Business World graphic, nasa 367,728 sasakyan ang dumaraan sa EDSA araw araw:

  • 247,527 ang kotse
  • 64,438 ang motorsiklo
  • 20,022 ang taxi
  • 12,283 ang bus
  • 8,830 ang trak
  • 7,229 ang utility vehicles
  • 2,399 iba pang sasakyan

Sa dami ng sasakyan na dumaraan sa EDSA kahit na anong oras, masasabing traffic ang naiisip ng marami kapag napag-uusapan ang highway na ito. Istrikto na ang MMDA sa pagpapatupad ng “yellow lane” na syang naghihiwalay ng mga pribadong sasakyan at mga pampublikong bus.

Maliwanag namang nagdurusa ang mga Pilipino sa trapiko dahil na rin sa dami ng pampribadong sasakyan. Tatlong lanes na lang ang pwedeng iokupa nila sa EDSA sa isang direksyon, pagkatapos nagiging dalawang lanes na lamang ito dahil sa mga column ng Metro Rail Transit (MRT).

Marami nang plano at programa ang naisipan para ayusin ang daloy ng trapiko sa Metro Manila. Humihingi na nga si Duterte ng emergency powers para solusyunan ang problema pero di pa rin naman ito naibibigay sa kanya. Matatandaang sinabi ng Pangulo na limang minuto na lamang ang travel time mula Cubao papuntang Makati sa Disyembre. Sinang-ayunan naman ito ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar. Ganun din, sinabi nyang babalik sa “acceptable levels” ang daloy ng trapiko sa EDSA bago matapos ang termino ni Duterte.

Malabong maisakatuparan ang mga pangakong ito. Malabo rin kasi ang mga solusyon na naiisip mismo ng gobyerno. Andyan ang cable cars at point-to-point helicopters. Andyan din ang paglilinang ng public transport network. Ayon sa Boston Consulting Group, hindi magiging sapat ang anumang pagpaparami ng kapasidad ng rail-based public transport services para matugunan ang pangangailangan ng tao sa transportasyon sa susunod na limang taon.

Mabuti sana kung nagpapatupad ng maayos na urban planning. Nasa 12.2M tao na ang populasyon ng Metro Manila. Tuwing araw, nasa 15M tao ito. 12% ng kabuuang populasyon  ng bansa ang nasa kabisera. Masisikip ang mga daan na syang nakakapagpahirap ng daloy ng trapiko. Di rin naman nagpapadaan ang mga malalaking subdibisyon. Naparakaming condominiums at office buildings na syang nakakapagparami ng tao sa mga daan. Maging sa EDSA, sandamakmak ang itinatayong mga matataas na building.

Marami ang nagsasabing masyadong maraming kotse sa EDSA at ito ang dahilan ng pagsisikip ng daloy ng trapiko. Over-populated na ang mga komunidad sa Metro Manila kaya awtomatikong dumarami ang pampribadong sasakyan dito. Ayon sa Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines at Truck Manufacturers Association, lumago ang bentahan ng sasakyan ng 16% mula 2016 hanggang 2017. Patuloy pa rin ito sa paglago. Marami kasi ang bumibili ng karagdagang sasakyan dahil sa “coding” na ipinapatupad sa mga siyudad.

Bakit bumibili ng sasakyan ang mga tao kesa sumakay sa mass transport system?

Ayon kay National Artist for Literature F. Sionil Jose, status symbol kasi ang mga sasakyan sa mga Pilipino. Nagtataka pa tayo sa laki ng problema sa trapik sa EDSA eh tayo rin naman ang gumawa nito.

Sa Japan, lahat ng klase ng tao doon ay gumagamit ng mass transport system. Maraming mga Pilipinong umangat ang estado ng buhay ang magsasabi ng sandamakmak na rason kung bakit ayaw nilang sumakay sa pampublikong sasakyan. Andyan ang isyu ng safety and security. Ung iba, magsasabi ng convenience.

Hindi lamang naman sa Pilipinas status symbol ang pagkakaroon ng sasakyan. Sa kasaysayan, ang mga maharlika ay sumakay sa sarili nilang karwahe. Sa Pilipinas, kapag naging supervisor o manager na ang isang empleyado, binibigyan sya ng kumpanya ng car plan. “Self packaging” ang tawag dito dahil kailangang mas umangat ang estado nya sa mga tauhan nya. Minsan, kinakagalitan pa ang mga empleyadong ayaw kumuha ng mas mahal na sasakyan kapag napo-promote ito. Parte kasi ng marketing ng kumpanya ito. Maganda ang sasakyan dapat ng mga empleyadong may mataas na posisyon sa kumpanya.

Ano ang pagkakaiba ng mga Japanese at Pilipino?

May Zen Buddhism kasi ang mga Japanese na syang nakakaapekto sa kanilang disiplina at pag-uugali. Dito sa Pilipinas, naisuksok sa isipan natin ng mga sumakop sa atin at maging ng Catholic Church ang kaisipang hierarchical. Kaya nga, mas gugustuhin ng Pilipino na magmaneho ng kanyang air-conditioned car sa EDSA ng dalawang oras mula Cubao hanggang Makati dahil napapatatag nito ang social status nya. Ayaw nyang makisama sa mga taong mas mababa ang uri sa public transport ng dalawang oras.

Asahan pa ang pagdami ng pampribadong sasakyan at paglala ng daloy ng trapiko sa EDSA. Nagre-report ang mga bangko at car companies ng double-digit profits dahil sa mga easy-installment schemes nila para sa mas maraming sasakyan. May mga nagsusulong na limitahan ang pagbebenta ng mga bagong sasakyan, gaya ng sa Singapore. Ngunit, ayon sa mga opisyal ng gobyerno, hindi kayang kontrolin ang pagbili ng mga sasakyan sa mga probinsya at dadalhin sa Metro Manila.

RELATED:EDSA Traffic Di Solusyon ang Emergency Powers

Siguro, kung may problema sa status symbol at pag-ayaw ng mga matataas ang estado sa lipunan na makisama sa mga di nila kauri sa mass public transport, kelangang magkaroon ng mga bagong public transport para sa mga ganitong Pilipino. Ganun talaga, snobbish ang ilang Pilipino.

Kung susuriin,  posibleng status symbol nga ang problema kung bakit sobrang lala ng problema ng trapiko sa EDSA.

 

Source:

Ylagan, A. H. (2019, September 15). The sociology of EDSA traffic. Retrieved from Business World: The sociology of EDSA traffic