Sotto: Soplak ng Human Rights Watch Philippines

Sotto: Soplak ng Human Rights Watch Philippines

Para sa Senador na di nagbabasa pero putak nang putak, may kahihiyan pa ba?

Bakit daw Tahimik ang Rights Groups sa mga Kaso ng Rape sa India?

Tila baga kinagalitan ni Senate Majority Floor Leader Tito Sotto ang mga human rights groups nung sinabi nyang tahimik ang mga ‘to sa araw araw na gang rapes sa India pero sobrang atensyon ang ibinubuhos sa war on drugs sa Pilipinas.

Sinabi nya ito noong inilabas nya ang kanyang sentimyento tungkol sa ulat na na-kidnap at na-rape ang isang 16 years old girl sa India kamakailan. Ang mga akusado ay pinarusahan lamang ng 100 sit-ups at pinagbayad ng 50,000 rupees. Ganun din, sinunog ng mga akusado ang bahay ng biktima kung saan sya namatay.

Sa isang tweet ni Sotto, “Another daily gang rape in india. Sinunog pa. Bakit quiet mga (international) human rightists? Drugs lang ang concern nila?”

Sa isang text message, sinabi rin ni Sotto, “Araw araw ang gang rape sa India. Pinapatay pa biktima. Gobyerno nila ang bagal. Nasaan sila?”

Sinagot ng Human Rights Watch ang Patutsada ni Sotto

Source: Human Rights Watch Philippines Facebook Page

Nagbigay din ang Human Rights Watch ng mga links ng kanilang reports tungkol sa rape cases sa India:

Invisible Victims of Sexual Violence

Prejudice Flares After Rape, Murder of Muslim Child in India

India: Rape Victims Face Barriers to Justice

Sotto: We were Raised to Respect Women

Sabi ni Tito Sotto, ang kanyang inang si Dr. Herminia C. Sotto ay naging Kababaihang Rizalista President Emerita at isa sa mga nagtatag ng Women’s Rights Movement.

Ayon kay Sotto, “We were raised to respect women.”

Hmm… parang hindi naman talaga nirerespeto ni TitoSen ang kababaihan.

Victim-Shaming in Eat Bulaga

Matatandaang maraming netizens ang nagalit kay Tito Sotto noong July 2016 dahil he implied na kasalanan nung babae kung baket sya natsansingan habang ito ay lasing.

Dahil dito, naipatawag nga ng MTRCB ang mga Eat Bulaga executives para magpaliwanag.

On Single Moms, “Na-ano lang”

Ininsulto ni Tito Sotto si dating DWSD Secretary Judy Taguiwalo noong humarap ang huli sa kanyang confirmation hearing sa Commission on Appointments noong May 3, 2017.

Nagtanong si Sotto tungkol sa personal na buhay ni Taguiwalo.

Ayon kay Sotto, “Just on the lighter side, Senator Drilon and I were looking at the personal information about you. You have two children – daughters or sons?”

Sinagot sya ni Taguiwalo na meron syang dalawang anak na babae.

Dagdag ni Sotto, “But you’re single?”

Kaya nag-explain na rin si Taguiwalo tungkol sa kanyang buhay, “Ah okay, my life has never been a normal one. I never had a whole mother-father-children kind of thing, except when I was growing up in Bacolod. Remember I graduated from UP in 1970, I did organizing work.”

Dagdag pa ni Taguiwalo, “From 1972 up to 1986, it has been a life underground or in prison. So, well, my story would be different from the stories of those who have gone through corporations, et cetera.”

Dahil dito, nasabi ni Tito Sotto, “In the street language, when you have children and you are single, ang tawag do’n ay na-ano lang (we call that you just got knocked up).”

Lutang na lutang ang pagiging ignorante ni Tito Sotto. Un nga lang, oozing with confidence sya sa kanyang ignorance.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *