Sino si Aristotle Reyes? Bakit Sya Na-promote na RTC Judge?

Sino si Aristotle Reyes? Bakit Sya Na-promote na RTC Judge?

Alam kaya ni Digong na ung nag-acquit kina Espinosa, Lim, et al ay na-promote nyang RTC judge pala?

DOJ Prosecutor Aristotle Reyes Promoted to RTC Judge of Lucena City

Si DOJ Prosecutor Aristotle Reyes ang nag-dismiss ng kasong illegal na droga kina Kerwin Espinosa, Peter Lim, at iba pa. Sya ay na-promote bilang RTC Judge ng Lucena City ni Digong Duterte.

Ngunit, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, wala raw kinalaman ang promotion ni Aristotle Reyes sa pagkaka-dismiss ng mga kaso ng mga drug suspects.

Ayon kay Roque, “I don’t think so, and it’s far-fetched.” Dagdag pa nya, “If at all, if the President knew that he (Reyes) cleared these individuals, he probably would not have been appointed, so I think the question has the wrong premise.”

Timeline ng Promotion ni Aristotle Reyes at Pag-Acquit kina Nicanor Faeldon at mga BOC Officials, at kina Kerwin Espinosa, Peter Lim, at Iba Pa

August 14, 2017 – Nagsimula ang preliminary investigation sa drug cases nina Peter Lim at Kerwin Espinosa

September 21, 2017 – Na-appoint ni Duterte si Reyes bilang RTC Judge ng Lucena City

November 22, 2017 – Naabswelto ni Reyes, kasama ang iba pang DOJ prosecutors, sina Faeldon sa mga kasong kinasasangkutan nila sa 6.4B pesos shipment ng shabu.

December 20, 2017 – Inabswelto rin ni Reyes, kasama si DOJ Asst. Prosecutor Michael Humarang, sina Kerwin Espinosa, Peter Lim, at iba tungkol sa kasong illegal drugs at conspiracy.

January 17, 2018 – Inanunsyo ng Malacañang ang pagka-appoint ni Aristotle Reyes bilang RTC Judge. Ipinadala rin ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang appointment paper ni Aristotle Reyes kay CJ Sereno.

February 2, 2018 – Nanumpa si Aristotle Reyes bilang RTC judge sa harap ni Associate Justice Antonio Carpio.

March 12, 2018 – Nakakuha ang mga reporters sa DOJ ng mga papeles kung saan sinasabing na-acquit nga ang mga itinuturong drug lords.

Ang Promotion ni Aristotle Reyes daw ay Base sa Merit

Sa isang panayam kay Aristotle Reyes, sinabi nyang based on merit ang kanyang promotion. Ayon sa kanya, ang appointment nya ay nangyari habang nagsasagawa ng preliminary investigation sa kaso nina Espinosa at Lim.

Pinapaimbestigahan ni DOJ Secretary Aguirre sina Reyes at Humarang

Nagsumite ng motion for reconsideration ang PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) para sa pagkakaabswelto nina Faeldon sa shabu shipment. Ngunit, ito ay ibinasura ng grupo ni Reyes noong January 24.

Ganun din, nagsumite rin ng motion for reconsideration ang PNP (Philippine National Police) tungkol sa kaso ng illegal na droga nina Espinosa at Lim. Ngunit, natanggal na ang grupo nina Reyes sa kaso. Nagbuo na ng panibagong panel si Aguirre para busisiin ang MR ng PNP.

Ganun din, nagbuo ng panibagong panel si DOJ Secretary Aguirre para imbestigahan sina Reyes at Humarang sa posibilidad na nagkaroon sila ng pagkakamali sa pag-abswelto kina Lim at Espinosa.

Political Move na lamang ang Rebyu ni Aguirre

Ayon sa dating Solicitor General Florin Hilbay, “The fact that the prosecutor general already declared there is no probable cause against these drug personalities means that any action of the Department of Justice reversing that action will be purely political and a response to the outrage of the public.”

Nagkakaroon din kasi ng duda sa timing ng appointment at announcement ng promotion. Between September and January, na-acquit sina Faeldon sa shabu shipment, at sina Espinosa at Lim sa illegal drug case.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *