Sigawang Bello at Cayetano: Sino kaya ang Tumalsik ang Laway?

Sigawang Bello at Cayetano: Sino kaya ang Tumalsik ang Laway?

Alam nyo na ba ang l8est ha? Oo! Sigawan daw. Sayang! Di pa nagsapakan!

Nagsigawan ang DOLE Secretary at ang DFA Secretary

 

Hindi talaga magpapatalbog ang kahit sino sa rehimeng Duterte. Ung akala mo eh nagtapos na sa “SO MORONIC” ang isyu, eto’t may shouting watch naman pala.

Ayon sa sources ng Philippine Star, nagsigawan at nagsisihan sina DOLE Secretary Silvestre Bello III at DFA Secretary Alan Peter Cayetano dahil sa kapalpakang nangyari sa Kuwait.

Nangyari raw ang sigawan sa Malacañang matapos mapaalis sa Kuwait si Philippine Ambassador Renato Villa.

Ayon sa sources ng The Star, awtorisado ni DFA Undersecretary for the Office of Migrant Workers Affairs Sarah Lou Arriola ang OFW rescue missions sa Kuwait. Ang desisyon ay tahasang paglabag sa Vienna Convention on Diplomatic Relations.

Si Arriola raw ang nagpadala ng special rapid response team para i-rescue ang mga inaabusong OFWs sa mga tahanan ng mga Kuwaitis. Syempre, umangal ang Kuwaiti government dahil ito ay paglabag sa diplomatic norms. Ganun din, ito ay paglabag sa kanilang sovereignty.

Isinama rin ni Arriola sa Kuwait si DFA Assistant Secretary Elmer Cato na syang sinasabing nag-awtorisa na i-upload ang mga rescue videos sa Facebook.

Nag-issue na ang Kuwait ng warrant of arrest at travel ban laban kay DFA-OUMWA Executive Director Raul Dado dahil sa kaniyang pangangasiwa ng 7 grupo galing sa Philippine embassy. Ang DFA ang nagsagawa ng OFW rescues.

Ganun din, may arrest warrants sina Francis Baquiran at Omar Hassan. Nakita raw ng mga empleyado ng embahada ang mga larawan ni Dado sa mga immigration counters sa airport.

Ayon sa source, “When (Dado) was told that his photos are all over immigration counters at the airport, the three sneaked into the embassy and did not go to their hotel.”

Ayan! Kanya kanya kasing papampam. Una unahan sa limelight. Mabuti pa sa Jollibee, bida ang sarap! Sa rehimeng Duterte, PABIDA ANG LAHAT!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *