Shadap, Greco! Shadap!

Shadap, Greco! Shadap!

Imbyernix na si Harry Roque sa ‘yo. Sinabi nang shadap ka na lang eh!

Usok Ilong ni Harry Roque kay PACC Greco Belgica

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ‘Let me be very clear: He doesn’t speak for the Office of the President.’

Tinanong kasi ng isang reporter si Harry Roque tungkol sa mga statements ni Belgica na sisibakin ni Duterte ang apat nyang appointees.

Sabi ni Roque, wala syang alam tungkol dun at recommendation lamang ng Presidential Anti-Corruption Commission ang pagsibak ng mga appointees. Hindi pa raw nagde-desisyon si Digong tungkol dun.

Ayon kay Roque, “What he has is a list of names that they apparently submitted to the President to be acted upon. But it doesn’t mean the President will adopt their findings. I just want to clarify, nakakagulo kasi eh (it’s becoming confusing).”

At dahil sobrang na-imbyerna na si Roque, “So I’m calling on – sino ito (who is this)? My client, Greco Belgica, please coordinate with my office. We have established information procedures in the Palace.”

Ano ang hugot ni Roque?

Papampam kasi si PACC member at spokesperson Greco Belgica

Kinumpirma ng PACC na nagrekomenda sila kay Digong na imbestigahan ang apat na myembro ng gabinete nito.

Sinabi ni Greco Belgica sa GMA News Online, “It was a confidential report we gave the President. Kung ano lang po ang natatangap namin, tinatrabaho namin and submit directly to the President. PRRD’s instructions is no holy cow. Evidendence based lang po. Walang pilian.”

Ayaw namang banggitin ni Belgica kung sino sino ung apat na Cabinet secretaries na sisibakin ni Duterte.

Bakit nga kasi lumabas si Belgica sa media at nauna pang isiwalat na may apat na gabineteng sisibakin? Confidential pala pero inilabas. Tsk tsk tsk

Eh paano kung hindi pala sinibak ni Digong? Eh di kahiya-hiya na naman ang rehimeng Duterte? Kunsabagay, mga wala ng kahihiyan ang mga yan?!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *