Senator De Lima, Pinarangalan sa 2nd Human Rights Defenders World Summit

Senator De Lima, Pinarangalan sa 2nd Human Rights Defenders World Summit

Pinaparangalan ng buong mundo si De Lima samantalang isinusuka naman si Duterte.

De Lima, Kasamang Itinampok sa Paris

Sa pangalawang Human Rights Defenders World Summit, kasama si Senator De Lima sa itinampok kasama ang iba pang prominenteng human rights defenders na sina Nelson Mandela at Martin Luther King Jr.

Nagtipon-tipon ang 150 human rights defenders mula sa iba’t ibang panig ng mundo sa Place du Trocadero, lugar kung saan pinirmahan ang Universal Declaration of Human Rights, pitong dekada na ang nakakalipas.

Nagbigay pugay ang mga ito sa mga human rights activists na napatay o nakulong.

Humiling din ang grupo ng hustisya para lahat ng mga nakikipaglaban para sa karapatang pantao.

Noong Mayo, nakatanggap din si De Lima ng parangal mula sa Amnesty International. Kinilala ng organisasyon ang senadora bilang “Women Human Rights Defenders Under Threat.”

Lume-level si Senator De Lima kina Martin Luther King Jr. at Nelson Mandela! Congratulations!

 

 

Source:

Roxas, P. V. (2018, November 16). De Lima hailed at 2nd Human Rights Defenders World Summit in Paris.

Retrieved from Inquirer: https://globalnation.inquirer.net/171249/de-lima-hailed-at-2nd-human-rights-defenders-world-summit-in-paris