SEA Games Cauldron Lighting: Pre-Taped Nga!

sea games cauldron lighting

Kinumpirma ni Floy Quintos na pre-taped nga ang SEA Games cauldron lighting.

Floy Quintos: Standard practice ang pre-taped SEA Games cauldron lighting

Ayon kay Floy Quintos na creative director ng 30th SEA Games opening ceremony, pre-taped ang pag-iilaw ng kaldero na ipinalabas noong Sabado.

Nakita natin sa ating mga TV na pinailawan nina Manny Pacquiao at Nesthy Petecio ang kalderong nagkakahalaga ng 50M piso. Ipinalabas din ang video sa opening ceremony noong Sabado sa Philippine Arena sa Bulacan.

RELATED: Drilon: Bakit May 7.5B Pesos Budget Para sa SEA Games ang DFA?

Ayon kay Quintos, standard practice ito sa mga bansang hindi maganda ang lagay ng panahon. Kailangan nilang maging handa. Napagkasunduan ng mga grupong Pilipino at banyaga na nagtulong-tulong sa paglulunsad ng opening ceremony na i-record na lamang ang cauldron lighting dahil sa pabago-bagong panahon.

Pumasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) si typhoon Tisoy noong Sabado nang hapon sa pagsisimula ng opening ceremony sa Bulacan. Ayon kay Quintos, kailangan nila ng isang “creative solution” dahil sa panahon. Naging segurista lamang sila dahil posibleng maapektuhan nang malakas na hangin ang ningas ng kaldero.

May karapatan ding naman magalit ang publiko, ayon kay Quintos, ngunit para sa kanila, kailangang masiguradong walang aberya sa palabas.

Lockdown sa New Clark City noong Sabado

Sabado nang hapon ay isinarado ang New Clark City, isa sa mga lugar na pagdarausan ng 30th Southeast Asian Games, ilang oras bago ang opening ceremony sa Philippine Arena. Ang kaldero na gagamitin sa nasabing pagbubukas ng palaro ay nasa NCC sa Capas, Tarlac.

Iniulat ni Erwin Aguilon ng Radyo Inquirer na maraming Pilipino, kasama na ang media, ang hindi pinapasok sa NCC at sinabihang bumalik na lamang kinabukasan. Marami sa kanila ay galing pa ng Laguna at Isabela. Mayroong galing pa nga ng Butuan.

Ayon sa mga gwardya, inutusan lamang sila ng NCC administration na tanging mga empleyado at volunteers lamang ang papayagang makapasok. May nagsabi rin kay Aguilon na pre-taped ang SEA Games cauldron lighting.

May lumabas ding video ng pyrotechnic display mula sa NCC Sports Complex na umikot sa social media noong Sabado, November 26.

Sa panayam kay Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) COO Ramon Suzara noong November 20, sinabi nitong gusto nilang maging “exciting” at surpresa kung paano paiilawan ang kaldero dahil 90 kilometro ang pagitan ng NCC at Philippine Arena.

Ramon Suzara: It’s a television show

Sa isang panayam, sinabi ni Suzara na “It’s a television show. We are showing to the world, to Southeast Asia, Asia, and the world that this is the Philippines [and] the opening ceremony of the Southeast Asian Games, the best ever opening ceremony of the Southeast Asian Games.”

Ayon naman kay PHISGOC Spokesperson Jarie Osias, wala namang nagbabawal na i-tape ang seremonya ng pag-iilaw. Walang nakasaad sa rules ng ASEAN Federation na bawal ang pre-taped SEA Games cauldron lighting.

Ayon sa kanya, “Assuming it was taped, there was no express prohibition in the ASEAN federation as to the timing of the lighting.”

RELATED: Medialdea May Hamon sa mga Maiingay

Ang punto, hindi naging TAPAT ang PHISGOC sa SEA Games cauldron lighting. Alam nila na pre-taped pero walang sinuman sa kanila ang nagsabi nito para di na gumastos ang mga kababayan natin sa pagpunta sa New Clark City noong Sabado. Bakit di sila naging truthful sa simula pa lamang?

Sources:

Abante. (n.d.). Suzara: Pag-record o hindi ng SEAG cauldron lighting ‘di na mahalaga. Retrieved from Abante:Suzara: Pag-record o hindi ng SEAG cauldron lighting ‘di na mahalaga

Dalupang, D. A. (2019, November 30). New Clark City on lockdown, lighting of SEA Games cauldron ‘pre-taped’. Retrieved from Philippine Daily Inquirer: New Clark City on lockdown, lighting of SEA Games cauldron ‘pre-taped’

Viray, P. (2019, December 3). SEA Games creative director confirms ‘standard practice’ pre-taped cauldron lighting. Retrieved from The Philippine Star: SEA Games creative director confirms ‘standard practice’ pre-taped cauldron lighting