Sabi ni Calida, Sya raw ang Nakahanap ng mga SALNs ni CJ Sereno

Sabi ni Calida, Sya raw ang Nakahanap ng mga SALNs ni CJ Sereno

Since nahanap nya, hindi ba nawalang saysay ang reklamo nyang quo warranto laban kay Sereno?

Ano ba ang Reklamong Quo Warranto ni Solicitor General Calida?

 

Sa Prefatory Statement pa lang ng Quo Warranto petition ni Calida, sinabi nyang hindi nagsumite ng lahat ng SALNs nya si Sereno, gayong ni-require naman ng Judicial and Bar Council noong 2012 na magsumite ng lahat ng SALNS ang lahat ng applications sa posisyon ng Chief Justice.

Ayon sa reklamo, naging UP College of Law professor si Sereno from 1986 to 2006. Ngunit, hindi raw naisumite ni Sereno ang mga SALNs nya nung nasa UP pa lamang sya.

Gayun din, by mistake, nailgay daw sa report sa JBC na “complete requirements” si Sereno. Kaya, nakasama si Sereno sa shortlist at napiling maging Chief Justice.

Ayon sa Section 7(3) ng Article VII ng 1987 Constitution, kailangang may proven integrity ang isang Chief Justice ng Supreme Court. Dahil sa na-mislead daw ang JBC, hindi raw napatunayan ni Sereno ang kanyang integridad.

Dalawang Puntos Kung Bakit Dapat Ibasura ang Quo Warranto Base sa SALN

 

Una, basehan ba ang di pag-submit ng SALNs sa JBC para sabihing walang integridad si CJ Sereno?

Paano kung nawala? Na-misplace? Nasunog? Nabaha? Nanakaw? Kinain ng aso? Wala na bang integridad kung hindi nakapagsumite ng SALNs sa JBC?

Negligent, pwede. Pero, para sabihin mong walang integridad, hindi naman tama un. Dahil sa isang instance sa buhay ng isang tao, ang non-submission of complete SALNs, Calida is saying walang integridad si Sereno?

MALI NAMAN UN! JUDGMENTAL UN!

Remember, ang issue lamang ni Calida ay HINDI NAKAPAGSUMITE ng SALNs sa JBC si CJ Sereno. Hindi naman nya sinabing hindi nag-file ng SALNs habang nag-work sya sa UP.

Pangalawa, nahanap na ang mga SALNs. Maging si Calida ay may kopya ng mga nawawalang SALNs. Hindi ba sapat na pruweba na un para ibasura ang quo warranto?

Dahil nakita na ung mga SALNs, napatunayang nag-file si CJ Sereno ng SALNs nya noong nag-work pa sya sa UP. Hindi DELIBERATELY na hindi sya nag-file. Na-misplace o hindi lang nahanap nang maayos.

Pero, may SALNs. At dahil may SALNs, hindi pwedeng ipagpilitan ni Calida na walang integridad si Sereno.

Ang pagkukulang lamang ni CJ Sereno, at that time, ay hindi nya mahanap ang mga SALNs nya in time sa pagsusumite sa JBC screening. At gaya ng sinasabi ng kampo ni Sereno, hindi rin naman nag-submit ng kumpletong SALNs ang mga SC justices na nag-apply bilang Chief Justice. Bakit sini-single out lamang si Sereno?

Isang malaking kabulastugan ang quo warranto petition ni Calida! TBGs lang ang maniniwala dun… sa kasamaang palad, mga 16M sila noong May 2016.

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *